December 13, 2025

Home BALITA

'Nakapag-day off pa bago mawala!' DMW, patuloy paghahanap sa 2 Pinay OFW sa Hong Kong

'Nakapag-day off pa bago mawala!' DMW, patuloy paghahanap sa 2 Pinay OFW sa Hong Kong
Photo courtesy: via Hong Kong Police Force

Nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga awtoridad sa Hong Kong upang mahanap ang dalawang nawawalang overseas Filipino worker (OFW).

Sa pahayag ng DMW nitong Miyerkules, Oktubre 15, kinilala ang mga nawawala na sina Imee Mahilum Pabuaya, 24 taong gulang, at Aleli Perez Tibay, 33 taong gulang.“Kaagad namang nakipag-ugnayan sa Philippine Consulate General, Hong Kong Police Force, at Hong Kong Immigration Department upang simulan ang masusing imbestigasyon at aktibong paghahanap,” anang DMW.

Ayon sa Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong, huling nakita sina Pabuaya at Tibay sa Tsuen Wan district noong Oktubre 4.“Ang detalye na alam natin, nakapag day off sila at hindi nanumbalik sa kani-kanilang mga employers. Ni-report agad ng employers, ‘yon ang standard procedure,” saad ni Cacdac.

Dagdag pa niya, “They are still in Hong Kong, walang records sa immigration of a departure.”Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na nakipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng dalawang OFW.“We have endorsed the proper information with the authorities. Merong certain leads in terms of huling pagkakausap sa kanilang mga mahal sa buhay,” giit ni Cacdac.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Nanawagan ang DMW sa publiko na makipag-ugnayan sa Konsulado ng Pilipinas o sa MWO-Hong Kong kung may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga nawawala.“Ang bawat tip, larawan, o detalye ay maaaring maging mahalagang susi sa mas mabilis na pagkakatagpo sa kanila,” saad ng DMW.

Makipag-ugnayan sa mga sumusunod:

Telephone: +852 2866 0640

DMW-OWWA Hotline: 1348

Email: [email protected]

Ayon pa sa DMW, mahigit 35,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Hong Kong hanggang nitong Enero, na ika-apat na bansa na may pinakamaraming land-based OFWs.