Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa kanilang mga commuters sa Oktubre 26, 2025.
Ito’y bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month.
Nabatid na ang libreng sakay ng MRT-3 ay maaaring i-avail ng lahat ng commuters mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing araw.
Isasagawa ang naturang libreng sakay sa pakikipag-kolaborasyon ng Department of Transportation (DOTr) -MRT-3 at ng Department of Trade and Industry (DTI).