Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo, ayon sa PAGASA.
Sa 5:00 AM weather update nitong Miyerkules, Oktubre 15, namataan ang LPA sa labas ng PAR sa layong 1,765 kilometers East of Northeastern Mindanao.
May mataas itong tsansa na maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras at posibleng pumasok ng PAR bukas, Huwebes, Oktubre 16.
Papangalanan itong "Ramil," ang ikatlong bagyo ngayong Oktubre at ika-18 ngayong 2025.
Base sa current forecast ng PAGASA, posibleng lumapit sa Northern Luzon ang bagyo at maaaring magdala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa weekend.
Gayunpaman, sinabi ng PAGASA na dahil malayo pa ito sa PAR, posible pa ring magbago ang forecast track.
Samantala, ang Easterlies o mainit at maalinsangang hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean ang kasalakuyang nakakaapekto sa Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.
Northeasterly windflow naman ang nakakaapekto sa extreme Northern Luzon.