Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi umano niya pinanawagan na magbitiw sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bagkus ituloy ang hamon sa kaniya noon na magpa-drug test.
Ayon sa isinagawang press briefing ni VP Sara sa Zamboanga City noong Martes, Oktubre 14, 2025, iginiit niyang may sinabi niyang “Marcos, resign” noon patungkol sa Pangulo.
“I never said, ‘Marcos resign’. Ang sinabi ko unang-una magpa-drugtest siya,” panimula ni VP Sara.
Pagpapatuloy pa ni VP Sara, ayon umano ang panawagang iyon sa hamon noon ni Atty. Vic Rodriguez kay PBBM.
“May challenge na siya galing kay Atty. Vic Rodriguez. That is a hanging open challenge na hanggang ngayon, ayaw niyang gawin,” paglilinaw niya.
Ani VP Sara, pagtataksil umano sa tiwala ng publiko ang hindi pagsunod ng Pangulo sa ninanais ng mamamayan.
“That is a betrayal of public trust because when you are President or Vice President, you consecrate yourself to the service of the nation,” anang VP.
Dagdag pa niya, dapat umanong ibigay ng pangulo ang kaniyang sarili para sa bayan.
“Ibig sabihin no’n, ibibigay mo na ‘yong sarili mo sa bayan. Ibig sabihin no’n hindi na ‘yan sa iyo, sa bayan na ‘yan. Therefore, 'pag sinabi ng bayan na magpa-drug test ka, hindi ka pwedeng magsabi ng hindi,” ‘ika ni VP Sara.
“And therefore, that is betrayal of public trust,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: ''Yong destabilisasyon, nanggagaling lang naman 'yan sa administrasyon'―VP Sara
MAKI-BALITA: 'Hindi ko pakawala si Kiko Barzaga:' VP Sara, nilinaw pagkakakilala kay Congressmeow
Mc Vincent Mirabuna/Balita