December 13, 2025

Home BALITA

‘Full disclosure!’ Sen. Robin, 'kusang-loob' na pumayag sa SALN reveal

‘Full disclosure!’ Sen. Robin, 'kusang-loob' na pumayag sa SALN reveal
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Payag si Sen. Robin Padilla na ipasilip ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sa liham na kaniyang ipinadala sa Senate Secretary nitong Miyerkules, Oktubre 15, 2025, iginiit niyang kusang-loob umano niyang pinahihintulutan ang “full disclosure” ng SALN niya.

“Ako po ay sumusulat sa inyo upang ipahayag ang aking kusang-loob na pagbibigay ng waiver o pahintulot sa anumang aksyon o proseso kaugnay ang full disclosure ng aking SALN alinsunod sa umiiral na batas tulad ng RA No. 10173  o Data Privacy Act, iba pang patakaran at alituntunin ng pamahalaan,” saad ni Padilla.

Saad pa niya, nakikiisa raw siya sa prinsipyong “Public office is a public trust.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Ako ay nakikiisa sa diwa ng ganap na pagpapahayag at katapatan batay sa prinsipyo na ‘Public office is a public trust’ na nakasaad sa ating Saligang Batas.

Matatandaang kamakailan lang nang nanindigan Ombudsman Jesus Crispin Remulla na dapat ay isapubliko ang SALN, ngunit mayroon pa rin umanong guidelines na dapat sundin.

“Dapat lang! Pero mayro’n tayong Data Privacy Law, mayro’n tayong pag-iingatan. Wala tayong karapatang ma-ta-trample upon. Kaya maglalagay tayo ng guidelines sa pagre-release ng SALN,” saad ni Remulla.

MAKI-BALITA: Remulla sa pagsasapubliko ng SALN: 'Dapat lang!'-Balita