December 13, 2025

Home BALITA National

DPWH, isiniwalat na may mga bagong sangkot sa flood control projects issue

DPWH, isiniwalat na may mga bagong sangkot sa flood control projects issue
Photo courtesy: DPWH (FB)

Nagbigay ng paunang impormasyon Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa imbestigasyon nila sa maanomalyang flood-control projects at “bagong pangalan” umanong sangkot dito.

Ayon sa naging panayam ng True FM kay DPWH Sec. Vince Dizon nitong Miyerkules, Oktubre 15, 2025, sinabi niyang mas malawak na umano ang mga indibidwal na kanilang iniimbestigahan kaugnay sa nasabing anomalya.

“Actually, mas malawak na ngayon. Hindi lang ‘yong mga usual na pangalan ang lumalabas ngayon,” panimula ni Dizon.

Pagpapatuloy pa niya, malalaman umano ang mga pangalan ng mga bagong sangkot sa flood-control anomalies sa susunod na pagpapa-file ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Kapag nakita n’yo po ‘yong mga kasong ipa-file ng ICI sa susunod, mayroon na pong ibang mga contractor na pangalan na makikita n’yo do’n. Hindi na po ito ‘yong usual,” saad pa niya.

Samantala, binigyang-linaw rin ni Dizon na tinututukan pa rin nila ang mga nauna nang sangkot sa maanomalyang flood-control projects partikular sa Discaya contractors.

“Although, syempre marami pa rin po do’n sa mga nakalista na “ghost” [projects] [ay] ‘yong usuals lalo na ‘yong mga Discaya contractors,” paiwanag niya.

“Pero meron na pong mga iba,” pagtatapos ni Dizon.

Matatandaang ipinaliwanag na ng DPWH kung ano ang nakaplano nilang proseso para mapatawan umano at pagbayarin ng aabot sa bilyong piso ang mga kontratistang sangkot sa maanomalyang flood-control projects.

MAKI-BALITA: DPWH, nilinaw basehan para panagutin Discaya, ibang kontratista sa bilyong pisong penalties

“Ganito po, ang sabi ko nga po no’ng ako ay mag-press conference noong Biyernes, no’ng nag-file kami ng unang mga kaso sa PCC [Philippine Competition Commission], we will throw everything, sa libro, sa mga contractor na ito para lang mapanagot sila [at] mabawi natin ang pondo. So, ‘yon po ang pinaka importante,” ‘ika ni Dizon sa True FM noong Oktubre 6, 2025.

MAKI-BALITA: 1,200 flood control projects, naibulsa ng mga Discaya mula 2016-2025; P300B, ipapataw na penalty!

Mc Vincent Mirabuna/Balita