December 12, 2025

Home BALITA

Dahil hindi magiging state witnesses? Sarah, Curlee Discaya hindi na makikipag-cooperate sa ICI

Dahil hindi magiging state witnesses? Sarah, Curlee Discaya hindi na makikipag-cooperate sa ICI
MB FILE PHOTO

Hindi na makikipag-cooperate sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya kaugnay sa maanomalyang flood control projects, ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka nitong Miyerkules, Oktubre 15.

"Basically, they explained that, they were thinking that when they cooperate before the ICI, they will be getting a favorable recommendation from the commission as state witness[es]," saad ni Hosaka sa isang press conference matapos ang ikatlo—at tila huling—pagdalo ng mga Discaya sa pagdinig ng ICI.

Binanggit din daw ng mag-asawa ang naging panayam ni ICI Commissioner Rogelio "Babes" Singson sa mamamahayag na si Karen Davila,  kung saan sinabi ni Singson na hindi umano kinukonsiderang state witnesses ang mag-asawa.

"I believe that, they said that, there was a statement by commissioner Singson regarding his own personal [opinion]... He sees no witness or no person who may be recommended by the commission as state witness," ani Hosaka.

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

Dagdag pa niya, "Because of that, they [the Discayas] are now saying that they will no longer appear before the commission and cooperate."

Sa kabila nito, sinabi ni Hosaka na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng ICI sa mga anomalya ng flood control projects.

Aniya, maraming karagdagan impormasyon ang makukuha sa iba pang resource persons na maaaring makatulong sa kaso. 

"Marami naman tayong mapagkukunan ng information. In fact, ang dami nang nag-tetestify, and pagdudugtong-dungtungin lahat 'yan para makuha natin lahat ng nangyari, at ma-recommend natin na ma-file-an 'tong mga taong to," saad niya.

"But definitely, we will get to the bottom of this. We will continue our investigation para malaman natin kung sino talaga ang may sala."

Samantala, ayon sa mga ulat, bago ang pagdinig, tila iniiwasan ni Sarah ang media dahil backdoor ng ICI ito dumaan para makapasok.