December 14, 2025

Home BALITA Politics

Cong. Barzaga, kinasuhan ng mga residente ng Forbes Park?

Cong. Barzaga, kinasuhan ng mga residente ng Forbes Park?
Photo courtesy: via MB/Screenshot from News 5 (YT)

Usap-usapan ang Facebook post ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga tungkol sa umano'y kasong isinampa laban sa kaniya ng mga residente ng Forbes Park sa Makati City.

Bagama't walang tinukoy kung anong kaso, nagkakaisa ang mga netizen na maaaring dahil ito sa isinagawang "Anti-Marcos Protest" na inorganisa ni Barzaga noong Linggo ng gabi, Oktubre 12 hanggang madaling-araw ng Lunes, Oktubre 13.

"I have been informed that the residents of Forbes Park have filed a case against me," saad ng mambabatas.

Aniya pa, "You can’t use imprisonment to scare an individual who is ready to die for his beliefs."

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

"We will protest again, until justice is done!"

Photo courtesy: Screenshot from Congressman Kiko Barzaga/FB

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento tungkol dito.

"Bakit sila mag file nagulo b ang buhay nila? May nawala b s kanila? Hindi b sila mga Pilipino?"

"my supporta ka sa taong bayan kiko ikaw ang magmumulat sa mga genZ generation,so go go gooo ka lang"

"Puro ka kasi meow eh haha."

"Sige lang cong Kiko palabasin ang mga magnanakaw kaya pala laki ng utang ng PILIPINAS, ibinulsa nyo na kaya pla pinag aagawan ang mga PWESTO para mangurakot ng bilyon bilyon.."

"Wag mo patulugin Cong Meow. Banat!!!"

"dapat lang sayo yan..."

"Hindi nila matitinag ang katulad mo Congressman Kiko Barzaga for a simple complaint letter. And you shouldn't worry for justice will prevail at the end of the day."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang homeowners' association ng Forbes Park tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Anti-Marcos protest! Barzaga papasukin bahay nina Romualdez, Co sa Forbes Park

KAUGNAY NA BALITA: Barzaga, nag-aya ulit sa Forbes Park