December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chavit kay Jillian Ward dinidikit, may relasyon ba?

Chavit kay Jillian Ward dinidikit, may relasyon ba?
Photo courtesy: MB File Photo

Tahasang sinagot ng dating gobernador na si Luis "Chavit" Singson kung totoo bang may relasyon sila ng Kapuso star na si Jillian Ward, sa isang media conference na dinaluhan ng dating politiko kamakailan.

Nag-ugat ang pagkaka-link ni Chavit kay Jillian sa mga kumakalat na blind item, kung saan, nagkakaisa ang mga marites na netizen na sila raw ang tinutukoy rito.

Kaya nang mauntag ng media si Chavit, aware pala siya sa mga chikang ito dahil nakakarating sa kaniya.

Mariin niyang itinangging may relasyon sila ng mestisang aktres. Ang termino pa ngang ginamit ng dating politiko-negosyante ay "Marites lang."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Marites lang 'yan... naririnig ko nga 'yan, marami ngang nali-link sa akin pero puro marites 'yan," aniya.

Pero hindi naman satisfied ang ilang mga miyembro ng media at humirit naman ng tanong patungkol kay Yen Santos, kung totoo bang nagkarelasyon sila?

Hindi naman tumanggi o sumagot si Chavit at sinabing "Next question" na lang. Sey pa niya, huwag na raw siyang kulitin patungkol sa mga past relationship niya.

Matatandaang sa vlog ni Yen, itinanggi ni Chavit ang mga kumakalat na chika at intriga noon pa, na nagkaroon daw sila ng anak ni Yen.

Ikinuwento rin ni Yen kung paano sila nagkakilala. Aniya, nasa dekada na sila magkakilala ni Chavit, dahil siya isang family friend. Kaibigan daw si Chavit ng kaniyang parents. Kaya raw lagi silang naiisyung dalawa.

"Meron pa nga raw tayong anak 'di ba?" sundot ni Yen.

"Malaki na raw 'yong anak natin, si Yan-yan," sey pa ni Yen.

"Anak ba natin si 'yon?" untag ni Yen kay Chavit.

Sagot ni Chavit, "Ewan ko sa'yo."

"Guys, hindi po namin 'yon anak. Kapatid ko 'yon and ninong siya no'n," sagot ni Yen.

KAUGNAY NA BALITA: Chavit, sumagot kung may anak na sila ni Yen