December 14, 2025

Home BALITA Metro

Caloocan, nagsuspinde ng klase ngayong Oct. 15 dahil sa sunod-sunod na bomb threat

Caloocan, nagsuspinde ng klase ngayong Oct. 15 dahil sa sunod-sunod na bomb threat
Caloocan PIO, Balita

Sinuspinde ni Mayor Along Malapitan ang klase sa lahat pribado at pampublikong paaralan at trabaho sa gobyerno sa Caloocan ngayong Miyerkules, Oktubre 15, dahil sa sunod-sunod na bomb threat na kanilang natanggap. 

Ayon kay Malapitan, sunod-sunod na bomb threat ang natanggap ng mga eskwelahan sa North at South Caloocan pati na rin sa city hall ngayong araw.

Kung kaya't inatasan niya ang Caloocan City Police upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat. 

"Inatasan na po natin ang ating Caloocan City Police na tiyakin ang kaligtasan ng lahat at ang masusing imbestigasyon at ang pagpapanagot sa mga nanggugulo sa ating siyudad," ani Malapitan. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg