December 14, 2025

Home BALITA

Baguio, pinakamayamang siyudad sa labas ng NCR ayon sa PSA

Baguio, pinakamayamang siyudad sa labas ng NCR ayon sa PSA
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Itinalaga bilang pinakamayamang siyudad ang Baguio, summer capital ng Pilipinas, sa labas ng National Capital Region (NCR) noong 2024, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA). 

Ayon sa mga ulat, isinagawa ang economic briefing sa Baguio sa pangunguna ni Aldrin Federico Bahit Jr., PSA chief statistician sa Cordillera noong Martes, Oktubre 14, 2025. 

Ani Bahit, nahigitan din ng Baguio, batay sa kanilang economic performance noong 2024, ang pitong siyudad sa loob ng NCR. 

Sa kabuuan, pansampu (10) ang Baguio bilang “highly urbanized” na lungsod sa buong Pilipinas noong 2024.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Sa kabila ito ng paghina ng kanilang gross city domestic product (GDP) kung saan tinatayang bumagsak iyon mula 9% o ₱169.02 bilyon hanggang 5.8% o ₱178.85 bilyon noong 2023.

Ayon pa kay Bahit, maisasalin ang GDP ng Baguio sa per capita output nila na ₱485,433 sa bawat goods at services kada tao sa nasabing lokalidad.

Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ang kanilang industriya at services ang pangunahin umanong nagpa-unlad ng kanilang ekonomiya kung saan nakapagtala ito ng  ₱137.87 bilyon o 5.5% sa 5.8 percent growth ng Baguio noong 2024. 

Samantala, nangunguna naman ang Baguio bilang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa mga lungsod na mayroon ang Cordillera Administrative Region (CAR). 

“In 2024, the City of Baguio was the largest economy among provinces and Highly Urbanized City in the Cordillera Administrative Region, contributing 47.3 percent of the Gross Regional Domestic Product estimated at PhP 378.26 billion,” ayon sa talang inilabas ng PSA sa kanilang website noong Martes, Oktubre 14, 2025. 

“Moreover, the per capita GDP of the City of Baguio was estimated at PhP 485,433. The 2024 Per capita GDP is derived by dividing the GDP of the province/HUC by its total population based on the 2024 Census of Population (2024 POPCEN),” pagtatapos pa nila

Mc Vincent Mirabuna/Balita