December 12, 2025

Home BALITA National

''Yong destabilisasyon, nanggagaling lang naman 'yan sa administrasyon'―VP Sara

''Yong destabilisasyon, nanggagaling lang naman 'yan sa administrasyon'―VP Sara
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)

Nagbigay ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa nangyaring mga kilos-protesta ng kabataan at mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon sa isinagawang press conference ni VP Sara sa Zamboanga City nitong Martes, Oktubre 14, 2025, sinabi niyang “nagmumula” lang naman umano ang destabilisasyon sa Pamahalaan at hindi sa mamamayan.

“‘Yong destabilization, nanggagaling lang naman ‘yan sa administration, e,” pagsisimula niya.

“Wala namang destabilization na nagyayari, e. Nagsasalita lang ‘yong mga tao at nai-insecure o natatakot lang ‘yong administration sa lakas ng boses ng mga tao,” paliwanag ni VP Sara.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani VP Sara, normal lang umano na magpahayag ng nararamdaman ang taumbayan.

“Pero sa totoo lang, walang nagpaplano ng destabilisasyon. Normal ang pagpapahayag ng isang tao sa kaniyang nararamdaman,” saad niya.

“So kung mayroon mang grupo na nagmi-meeting para pabagsakin ang administrasyon, Makabayan ‘yon. Wala nang iba,” paggigiit pa ni VP Sara.

Pagpapatuloy pa ni VP Sara, hindi naman umano nagpaplano ang mga tao sa pagpapatalsik sa Pangulo o guluhin ang gobyerno bagkus nais lang daw nilang ilabas ang kanilang galit.

“Lahat ng iba d’yan, wala nang meeting d’yan. Nagpapahayag lang sila ng nararamdaman nila na galit sa pangyayari. Wala silang sinabing iba na oust or paggawa ng masama sa Presidente o panggulo sa gobyerno, wala.”

“Nagsasalita lang ‘yan, lahat ng mga tao, nagsasabi lang sila ng mga galit nila. Nagsasabi lang kami, tayo sa galit natin,” pagtatapos pa ni VP Sara.

MAKI-BALITA: 'Hindi ko pakawala si Kiko Barzaga:' VP Sara, nilinaw pagkakakilala kay Congressmeow

Mc Vincent Mirabuna/Balita