December 13, 2025

Home BALITA

US, kinondena ang China matapos dahasin barko ng Pilipinas

US, kinondena ang China matapos dahasin barko ng Pilipinas
Photo Courtesy: US Embassy in the Philippines (FB), via MB

Naglabas ng pahayag ang Embahada ng Amerika sa Pilipinas kaugnay sa pandarahas ng China kamakailan sa barko ng Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa South China Sea.

Sa pahayag na inilabas ng US Embassy nitong Martes, Oktubre 14, kinondena nila ang mapanganib na galaw ng China sa nasabing dagat.

“The United States condemns China’s October 12 ramming and water cannoning of a Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources vessel close to Thitu Island in the South China Sea,” saad ni Thomas Pigott, Deputy Spokesperson ng US Department of State Principal.

Dagdag pa niya, “We stand with our Philippine allies as they confront China’s dangerous actions which undermine regional stability.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Sa huli, iginiit ng Amerika ang nakasaad sa Article IV ng 1951 United States-Philippines Mutual Defense Treaty.

Ayon dito, magiging mapanganib umano sa kapayapaan at kaligtasan ang anomang pag-atake sa sandatahang lakas ng Pilipinas sa bahaging iyon ng Pasipiko.

Matatandaang tatlong barko ng BFAR, kabilang ang BRP Datu Pagbuaya, ang nakadaong malapit sa isla nang lumapit sa kanila ang mga barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia.

Maki-Balita: BFAR vessel binangga, binombahan ng tubig ng Chinese vessel sa Pag-asa Island