December 12, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Tumingin sya sakin kumaway!' Brenda Mage, natulala nang makita si VP Sara

'Tumingin sya sakin kumaway!' Brenda Mage, natulala nang makita si VP Sara
Photo courtesy: Brenda Mage (FB)

Ibinahagi ng komedyante, social media personality at dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition 10 ex-housemate na si Brenda Mage ang engkuwentro niya kay Vice President Sara Duterte, nang bumisita ang Pangalawang Pangulo sa Davao Oriental, matapos ang sunod-sunod na lindol.

Kuwento ni Brenda sa kaniyang Facebook post noong Oktubre 12, na-curious sila kung bakit maraming tao sa kalsada at pinagkakaguluhan. Inakala nilang may aksidente, subalit nang makita nila si VP Sara, ay "natulala" na lamang daw siya.

"OA ng reaction ko kahapon…. Syempre nagulat bumabyahe lang naman kami tapos may along the way kala namin may nahuli o aksindente kasi may maraming tao.. tapos nasulyapan namin siya…" kuwento ni Brenda, na dati ring contestant ng Miss Q&A segment ng noontime show na "It's Showtime."

"Ay takbo talaga kami agad natulala nalang ako dina nakalapit basta nakita ko lang sya tapos tumingin sya sakin kumaway… ayun na masyadong overwhelming ang pangyayari.."

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

"Magiingat po kayo palagi Maam Inday Sara Duterte," aniya pa.