Masayang inanunsyo ni Jinkee Pacquiao ang pagiging lola sa kaniyang social media nitong Martes, Oktubre 14.
Sa kaniyang Instagram post, isang makabagbag na mensahe ang ibinahagi niya para sa panganay na si Jimuel.
“The day I became your mother, my world changed instantly. @pacquiao.emmanuel. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed. ,” sey niya sa kaniyang panganay.
Sa sumunod na bahagi ng kaniyang mensahe, idinagdag niya na ang masayang anunsyo at excitement sa susunod na yugto para sa anak.
“Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko. ,” aniya.
“Grabe, kapaspas gyud sa panahon sunod bulan naa na koy apo. (Grabe, ang bilis talaga ng panahon dahil sa susunod na buwan, may apo na ako),” dagdag pa ni Jinkee.
Matatandaang pinost din ni Jinkee sa kaniyang Instagram noong Hulyo 2025 ang kanilang family dinner sa Los Angeles, California, kasama ang “rumored girlfriend” ni Jimuel.
"Tonight deserves something special. Family dinner time. Cherishing family moments, ,” saad niya sa post.
Sean Antonio/BALITA