Nakatakda nang humarap si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Sa panayam ng media nitong Martes, Oktubre 14, sinabi ni Romualdez na nakahanda umano siyang makipagtulungan sa komisyon upang mapabilis ang imbestigasyon sa nasabing kaso.
“I will be here to help in any way to speed up the resolution of the fact-finding investigation of the ICI,” saad ni Romualdez.
Nauna nang hiniling ng ICI sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng Immigration lookout bulletin order laban sa mga senador, kongresista, at opisyal na tulad ni Romualdez.
Maki-Balita: ICI hiniling sa DOJ na maglabas ng lookout bulletin order sa ilang senador, solon, at iba pa
Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co