December 15, 2025

Home BALITA

Romualdez, itinanggi ang koneksyon sa ‘basura scheme’—ICI

Romualdez, itinanggi ang koneksyon sa ‘basura scheme’—ICI
Photo Courtesy: John Louie Abrina/MB

Pinabulaanan umano ni dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez ang kaugnayan niya sa “basura scheme” ayon kay Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Brian Keith Hosaka.

Sa panayam ng media nitong Martes, Oktubre 14, sinabi ni Hosaka na naitanong umano kay Romualdez ang tungkol sa male-maletang pera na ipinapadala sa bahay nito.

“It was asked, of course. And he denied it,” saad ni Hosaka.

Samantala, posible rin umanong obligahin ang ICI si Romualdez na maglabas ng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN). 

Zaldy Co, wala raw record sa PH Embassy sa Portugal?

Matatandaang ang dating sundalong si Orly Regala Guteza ang naglantad sa Senado kung paano gumagana ang umano’y “basura scheme.” 

Ayon kay Guteza, kabilang daw siya sa mga tagabuhat ng maleta ng basura na pawang mga pera. Inihahatid umano niya ito sa bahay nina Romualdez at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Maki-Balita: 'Basura scheme?' Pagdeliver ng mga pera sa bahay nina Romualdez, Co, ikinanta ng dating sundalo