Tila hindi kumbinsido ang maraming netizens sa latest award na iginawad ng Edukcircle kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.
Ang Edukcircle Awards ay nagsimulang itatag noong 2011 at mula noon ay taon-taong nagbibigay ng parangal upang kilalanin ang mahuhusay na ambag ng mga personalidad sa pelikula, telebisyon at pelikula.
Matatandaang pinarangalan bilang “Most Influential Celebrity of the Year” si Kathryn ng nasabing award-giving body kamakailan.
Maki-Balita: Kathryn Bernardo, ginawaran bilang 'Most Influential Celebrity of the Year'
Ngunit sa Facebook post ng ABS-CBN News kung saan iniulat ang tungkol dito, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Influential in what aspect?"
"Not influential, she is actually one of the most silent celebrities regarding the issue ngayon sa bansa. I would be delighted pa kung kay vice yan napunta."
"I like Kath but to be honest Yung "influential mas akma sa tatlong stars din Ng abs Sina Vice Ganda, Regine Velasquez at Nadine Lustre.....in all aspect Kasi andun Sila and kita lakas Ng influence"
"influential na di ginagamit yung influence where it matters "
"Congrats! Sana magamit mo ang pagiging “Most Influential Celebrity of the Year” sa mga social issues sa bansa!"
"The award seems to recognize her impact on consumer behavior specifically her ability to influence people to purchase the products or services she endorses rather than her influence in a national or patriotic context/sense."
"Nahhh , I’d give it to Vice. Whether you like it or not. Bash him or love him, Vice remains the most influental celeb. Kaya konting pagkakamali lang ni meme, grabe ang bashing sa kanya."
"You’ve been silent this whole time. "
"Ito lang yong Artista na kahit walang ginagawang masama, ang daming bashers napansin kolang.. kaya dami blessings ""Influence - to stay silent. To do nothing"
“May jowang trapo eme”
"Ipikit niyo na lng yung mga mata niyo mga basher, hindi yung puro dada eh idol niyo dih masungkit yung ganyang parangal, tsaka na kayo mangbash kay Kathryn kung malevel na ng idol niyo ang blessing niya"
"di nya deserve tbh."
"magkano bili mo dyan te?"
"Deserved ba? "
"Influencial nga, tahimik naman sa mga usaping panlipunan"
"Di prin ngbbgo ibang tao ang ppngit prin ng ugali khit ang dmi ng sakunang nangyyari sa mundo.. Db pwdeng maging msaya nlng kau sa tagumpay ng iba.. Haiiist"
"at dahil diyan, iuunfollow ko iyan"
"Congrats kath, Dami mong basher's dito walang mapaglagyan"
"Saan banda influencial sa trapo nyang jowa. "
"Bakit tahimik nung trillion march? "
"Nahiya naman si Anne Curtis "
"na influence nyang maging silent during tough times "
"Umiingay lang pangalan niyan kapag about sa pelikula o lovelife niya. Che."
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon si Kathryn o maging ang kaniyang management hinggil sa nasabing isyu. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.