December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Mga namatay sa mga paglindol sa Davao Oriental, umabot na sa 9 na katao!–OCD

Mga namatay sa mga paglindol sa Davao Oriental, umabot na sa 9 na katao!–OCD

Umakyat na sa siyam na katao ang bilang ng mga namatay sa mga kamakailang paglindol sa Davao Oriental, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes, Oktubre 14. 

Ibinahagi ni OCD spokesperson Junie Castillo bukod pa sa naunang walong naitalang nasawi, natanggap nila ang karagdagang bilang sa mga bandang tanghali ng Martes, Oktubre 14. 

“Kaninang umaga po, nadagdagan ito ng isa na reported death. So as of noon time, ang ating for verification and validation ay nine na po,” saad ni Castillo. 

Ayon naman sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 200, 914 na pamilya o 845,001 na indibidwal na sa rehiyon ng Davao at Caraga ang naapektuhan ng “doublet” earthquakes.

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

12,700 namang indibidwal ang naitalang kasalukuyang naninirahan sa walong evacuation centers, habang mahigit-kumulang 200 katao ang nananatili sa mga kalsada o nakikitira sa kanilang mga kaanak dahil sa pangamba sa mga aftershock. 

2,575 namang mga bahay ang nasira, ayon sa tala ng OCD, at mahigit ₱1.258 milyon ang inaasahang halaga ng mga danyos sa mga rehiyon. 

Sa karagdagang balita, niyanig ng magnitude 4.6 na aftershock ang Manay, Davao Oriental bandang 4:58 pm ng Oktubre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

KAUGNAY NA BALITA: Magnitude 4.6 aftershock, yumanig sa Manay, Davao Oriental

Sa 12 pm report ng Phivolcs, mayroon nang naitalang 1,303 aftershocks sa Davao Oriental, 18 dito ang naramdaman ng mga residente. 

Sean Antonio/BALITA