Magsasama ang mga bigating pangalan sa pelikula na sina award-winning director Erik Matti, film producer Dondon Monteverde, at Kapamilya Primetime King Coco Martin para sa dalawang bagong proyekto.
Sa ginanap na media conference nitong Martes, Oktubre 14, inanunisyong bibida si Coco sa “On the Job: Maghari” (2026) at “MayPagasa - The Battles of Andres Bonifacio” (2027) na kapuwa ididirek ni Erik.
Nauna nang idinirek ni Erik ang unang installment ng “On The Job” noong 2013 na sinundan pa ng “On the Job: The Missing 8” noong 2021.
Ngunit sa bagong yugto nito, isesentro ang kuwento sa taong 1990 para ipakita kung paano ipinaglaban ni Mario Maghari—played by Joel Torre—para protektahan ang pamilya niya bago siya tuluyang napasok sa kulungan.
Matatandaang sa ikalawang installment ng “On The Job” nasungkit ni award-winning actor John Arcilla ang Volpi Cup sa ginanap na 78th Venice Film Festival.
Ito ay dahil sa natatangi niyang pagganap sa nasabing pelikula.
Maki-Balita: John Arcilla, inedit na ang pasasalamat post; binanggit na si Direk Erik Matti
Samantala, bibigyan naman ni Coco ng panibaong bersyon ang buhay ng bayani at Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio sa pagganap niya sa “Maypagasa.”