December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Chief prosecutor Karim Khan, bakit nga ba inelbow ng ICC sa kaso ni FPRRD?

Chief prosecutor Karim Khan, bakit nga ba inelbow ng ICC sa kaso ni FPRRD?
AP/MB File Photo

Tinanggal ng International Criminal Court (ICC) appeals judges si British lawyer at Chief Prosecutor Karim Khan sa paghawak ng kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa lumabas na court document.

Batay sa ulat ng Reuters, hindi tinanggal si Khan sa kaniyang posisyon, ngunit humiling ang ICC appeals judges na siya ay madiskwalipika sa kaso ni Duterte.

Matatandaang si Khan ay naka-administrative leave noon pang Mayo 2025 dahil sa mga alegasyon ng sexual misconduct. Gayunpaman, hindi siya tuluyang tinanggal sa puwesto.

Noong Agosto, nauna nang nagsumite ng apela ang defense team ng dating pangulo na ipa-disqualify si Khan dahil sa conflict of interest bunsod ng naging paglahok nito sa pagtulong sa mga umano’y biktima ni Duterte sa korte.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Sa ngayon, si Khan ay nadiskwalipika matapos makita ng ICC Appeals Chamber ang posibleng pagkiling nito o pagka-bias, dahil sa dati niyang ginampanang papel sa mga pagdinig kaugnay ng war on drugs.

Hinihintay pa ulit ng sambayanan kung kailan ang confirmation of charges sa dating pangulo, matapos na ipagpaliban ito na nakatakda sana noong Setyembre 23.