December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Aira Lopez, may bet totohanin sa netizen

Aira Lopez, may bet totohanin sa netizen
Photo Courtesy: Aira Lopez, Ludiangco Nuas Edgar (FB)

Tila sinuwerte ang isang netizen na humiling ng pabor kay Kapuso Sparkle artist Aira Lopez sa isang Facebook group.

Sa Facebook post ni Ludiangco Nuas Edgar sa FB group na "Free Edit PH" noong Lunes, Oktubre 13, umapela siya sa mga miyembro nito na i-edit ang selfie niya kasama si Aira.

"Pa edit kasama q si Aira Lopez. Willing mag pay" saad ni Ludiangco.

Sabi naman ni Aira matapos i-share ang post, "Halika sir! Totohanin natin Ako pa magpa-picture sayo hehe."

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

Umani tuloy ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"Sana all.. 2013 - 2022 nakatira sa Clark the. 2022 - 2025 dito malapit sa BGC pero never nakasalubong sa bike or run si miss aira "

"Ay wow ka kileg ako nga sumali pa sa charity marathon Oct 12. Kaso ganun talaga, sana all!"

"Ako nga sir pangarap kong makasama sa marathon Aira Lopez, idol ko to"

"Go idol Aira Lopez.. A dream came true yan sa aming mga fan"

"Sayang Ms Aira Lopez nahiya ako pa picture sa plane one time ikaw ang flight attendant"

"Sana ako din maam aira!"

"Mabilis Talagang Gamot Yan Sir After Mastroke "

"Ginawa mong halo yung phil arena grandstand ah"

"Ms Aira Lopez, ako din po pede magpapicture po sa inyo"

"iba tlga tong lopez sisters na to..sobrang humble and down to earth.. kudos to your parents.."

Matatandaang bukod sa pagiging artista, kilala rin bilang sporty flight attendant si Aira at content creator na nakatuon ang mga ginagawa sa pagiging triathlete niya.

Minsan na rin siyang nagsilbing host sa programang "Cycling Unlimited" ng CNN kasama ang kapuwa niya cycling enthusiast na si Kyle Maceda.

Sa kasalukuyan, karelasyon ni Aira si dating Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Matatandaang Enero nang matanggap ni Mark ang matamis na oo ni Aira.

MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!