March 20, 2026

Home BALITA National

2 low pressure area, binabantayan ng PAGASA

2 low pressure area, binabantayan ng PAGASA
DOST-PAGASA

Kasalukuyang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure area (LPA).

Ayon sa PAGASA, as of 8:00 AM ngayong Martes, Oktubre 14, dalawang LPA ang binabantayan nila.

Ang isa ay nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 1,780 kilometro Silangan ng Northeastern Mindanao. 

Ito ay may "medium" chance na maging tropical depression o mahinang bagyo sa loob ng 24 na oras.

Habang ang isa pang LPA ay nasa loob ng PAR sa katubigang sakop ng Vinzons, Camarines Norte at ito ay "unlikely" na maging bagyo.

National

PCSO, naghatid ng 12 ventilators sa limang pagamutan sa Bohol