Grabe talaga ang mga Pinoy netizens matapos pumutok sa balita ang tungkol sa naispatang tukaan nina Katy Perry at dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau habang nasa isang yatcht sila, na talaga namang humamig ng reaksiyon sa mga marites.
Ibinahagi ang mga larawan ng ilang pasaherong nasa whale-watching tour sa coast of California.
Kitang-kita at hagip sa mga lente ng camera kung gaano na nga ka-intimate ang dalawa, kaya masasabing kay bilis na nga namang naka-move on ni Katy sa ex-partner na si Orlando Bloom. Makikitang todo yakap si Katy kay Justin habang naghahalikan, at ang kamay naman ng dating prime minister ay nasa bandang pisngi ng pwet ng American singer-songwriter.
Ang yate ay pagmamay-ari daw mismo ni Katy.
Pero hindi naman ito ang unang beses na nakitang magkasama ang dalawa, dahil noong Hulyo, nagsimulang umugong ang mga tsikang nasa dating stage na sila, matapos mamataang nagdi-dinner sa isang restaurant sa Montereal.
Anyway, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Grabe ang bilis maka-move on kay OB!"
"Perfect couple"
"Sana sila na, nakarami na rin si Katy hahaha."
"Ay go lang, normal lang sa kanila yan haha."
"Panalo si anteh hahaha."
"bakit kapag sa ibang bansa hindi cringe tingnan hahaha."
"panalo si anteh, bakit parang ginagaya niya si TS sa pagpapalit ng jowa hahaha."