December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Padilla, dinepensahan si FPRRD sa resulta ng SWS survey

Sen. Padilla, dinepensahan si FPRRD sa resulta ng SWS survey
Photo courtesy: Robin Padilla (FB), BALITA FILE PHOTO

Naglabas ng kaniyang saloobin si Sen. Robin Padilla kaugnay sa lumabas pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na 50% ng mga Pilipino ang sang-ayon na managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nangyari noong giyera kontra droga.

Ayon sa ibinahaging post ni Padilla sa kaniyang Facebook nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, nilinaw niyang hindi umano sila “kumukontra” kung sakaling mapatunayang may “nagawang kasalanan” si FPRRD.

“Gusto ko lamang po liwanagin,” panimula niya, “[w]ala ni isa sa amin na nagmamahal at nagpapasalamat sa serbisyo ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ang nagsasabing hindi siya dapat managot sa Drug War kung siya nga ay may nagawang kasalanan.”

“Mismong si Tatay Digong ang nagsasabi, kung may kasalanan siya handa siyang harapin ito dito sa Pilipinas,” pahabol pa ni Padilla.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Pagpapatuloy pa ni Padilla, mas dapat umanong tanungin kung “sang-ayon” ba ang mga Pilipino na mga dayuhan ang maghahatol sa isang Pilipino.

“Ang dapat na tanong dyan, sanggayon ba ang mga PILIPINO na mga dayuhan ang nagkakaso sa Isang Pilipino at nag aantay ng panghuhusga ng Banyagang Hukuman?” pagkukuwestiyon ni Padilla. 

“Tama ba na nakapiit ang dating Pangulo ng Pilipinas sa Isang kulungan sa ibang bansa,” dagdag pa niya. 

Ani Padilla, mayroong hukuman at kulungan ang bansa para sa mga mapapatunayang may pagkakasala. 

“Isa pang tanong, may korte tayo at may kulungan tayo, katunayan may ilan na dating Pangulo ng Pilipinas ang nakulong at dumaan sa hukuman natin, dito sa ating bansa bakit naman pagdating kay FPRRD ay naiba,” saad niya. 

Nagbigay pa ng suhestiyon si Padilla kung papayag ba raw umano ang mga Pilipino na pauwiin si FPRRD at sa Davao City siya ma-house arrest. 

“Payag ba ang mga Pilipino na ma house arrest si FPRRD sa ibang bansa kesa nakakulong sa ICC? O payag ba ang mga Pilipino na iuwi siya sa Davao City at doon s’ya ma House Arrest?” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Karamihan ng mga Pinoy, pabor mapanagot sa drug war si FPRRD—SWS survey

Mc Vincent Mirabuna/Balita