December 13, 2025

Home BALITA National

Regional Office, School Division maaaring magpatupad ng preventive class suspension—DepEd

Regional Office, School Division maaaring magpatupad ng preventive class suspension—DepEd
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng abiso ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa pagpapatupad ng preventive class suspension.

Sa latest Facebook post ng DepEd nitong Lunes, Oktubre 13, sinabi nilang puwede umanong ipatupad ng mga regional at school division office ang nasabing suspensyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at kawani ng mga paaralan habang naghahanda sa sakuna.

“Sa panahon ng preventive suspension, ipinatutupad ang mga alternatibong paraan ng pag-aaral upang tuloy pa rin ang edukasyon habang prayoridad ang kaligtasan ng lahat,” saad ng DepEd.

Kaya naman hinikayat nila ang pakikiisa ng mga magulang, guro, at maging ng lokal na pamahalaan sa inisyatibong ito ng ahensya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Matatandaang nauna nang sinuspinde ng DepEd-National Capital Region ang face-to-face classes sa pampublikong paaralan sa Metro Manila mula Oktubre 13 hanggang 14.

Ito ay dahil umano sa dumaraming kaso ng influenza-like illnesses at ng sunod-sunod na paglindol kamakailan.

Maki-Balita: Face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa NCR, sinuspinde!