December 13, 2025

Home BALITA

Ombudsman Remulla, sisilipin koneksyon ni FPRRD sa Pharmally

Ombudsman Remulla, sisilipin koneksyon ni FPRRD sa Pharmally
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng pahayag si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla kaugnay sa posibilidad na mapabilang sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso ng Pharmally.

Sa isinagawang press conference nitong Lunes, Oktubre 13, sinabi ni Remulla na nakadepende raw ito sa mga ilalatag na facts at ebidensiya.

“Depende sa alegasyon ng complaint, depende sa facts, and the evidence itself. Siyempre ‘yong allegation niyan will be pointed to a positive role in the controversy,” saad ni Remulla.

Dagdag pa niya, “'Pag mayro'n siyang positive acts na ginawa, we will look at it. Titingnan natin ang evidence.”

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Matatandaang direktang nauugnay ang Pharmally kay dating presidential economic adviser Michael Yang na nakapagpasok ng multi-bilyong pisong deal sa Department of Budget and Management’s Procurement Service para sa pagbili ng mga kinakailangang suplay bilang tugon sa Covid-19.

Batay sa imbestigasyong isingawa ng Senate Blue Ribbon Committee noong Agosto 2021 hanggang Enero 2022, natuklasang sobra sa presyo at substandard din ang mga suplay na ipinasok ng Pharmally sa Pilipinas.