Ganap nang batas ang Free Funeral Service Act para sa mahihirap na pamilya at walang kakayahang bayaran ang pagpapalibing ng kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.
Kinumpirma mismo ng Malacañang nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, ang pagsasabatas nito kahit hindi napirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon sa mga ulat, si Presidential Communication Office Undersecretary Claire Castro ang nagkumpirma, sa pamamagitan ng ipinadalang text message sa media, sa pagsasabatas ng Republic Act No. 12309 o Free Funeral Services Act noon pang Setyembre 28, 2025, matapos itong hindi mapirmahan ng Pangulo sa loob ng 30 kabuuang bilang mga araw mula sa pagpapasa ng Kongreso, ayon ito sa ilalim ng Article VI, Section 27(1) sa 1987 Constitution.
"The President shall communicate his veto of any bill to the House where it originated within 30 days after the date of receipt thereof; otherwise, it shall become a law as if he had signed it,” sipi mula sa nasabing Artikulo, Seksyon 27 ng nasabing batas.
Ano ang mga kinakailangan upang mabigyan ng libreng funeral services?
Ayon sa section 6 ng Republic Act 12309 o Free Funeral Services Act:-Una (1) kinakailangang makapagpakita ng Valid identification card ang isang claimant o benepisyaryo.
-Ikalawa (2) makapagpakita ng Death Certificate mula sa isang hospital, health office sa ng munisipalidad, o setipikasyon mula sa pinuno ng isang tribo.
-Ikatlo (3), Funeral contract na pirmado ng representatibo mula sa kaanak ng nasawi, funeral establishment, at awtorisadong DSWD personel.
-Ikaapat (4), makapagpakita ng social case study na inihanda ng isang rehistradong social worker.
Anong ahensya ang dapat na mag-implenta ng Free Funeral Service Act?
“The DSWD [Department of Social Welfare and Development] shall be the lead agency in the implementation of this Act and shall engage the services of funeral establishments in the country. The Department of Trade and Industry (DTI) shall monitor and regulate the current market prices of funeral services, including the price of caskets and urns, to prevent undue or excessive price increases,” ayon sa Section 7 ng nasabing batas.
Mayroon naman 60 na bilang ng mga araw ang DSWD upang iimplenta ang rules and regulation sa pagpapatibay ng naturang batas.
“The DSWD shall promulgate the implementing rules and regulations within sixty (60) days from the effectivity of this Act,” ayon sa Section 11.
Samantala, may nakaabang naman na parusa mula sa ₱200,000 libo hanggang ₱500,000 libong halaga ang mga mapapatunayang mananamantala at pabubulaanan ang mga dokumentasyong kinakailangan para mabigyan ng libreng funeral services.
Mc Vincent Mirabuna/Balita