Usap-usapan ang matapang na pahayag ni ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila matapos niyang maglabas ng saloobin sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.
Sa kaniyang post sa X post, nagpaabot siya ng panalangin para sa mga apektado ng malakas na magnitude 7.4 na lindol sa Davao kamakailan, kasabay ng pagpuna sa ilang politiko na umano’y nakapasyal pa sa Formula 1 Grand Prix o F1 race sa Singapore sa kabila ng mga trahedyang kinakaharap ng bansa.
ito raw ay batay sa kaniyang source na hindi niya pinangalanan.
"Praying for all our kababayans in Davao," anang Karen sa kaniyang X post noong Oktubre 10.
"Nakaranas ang Pilipinas ng sunod-sunod na BAGYO, BAHA… LINDOL SA CEBU… BAGYO ULIT… ngayon, LINDOL SA DAVAO…"
"And sources tell us nakapag-F1 pa sa Singapore ang ilang pulitiko nung nakaraang linggo? Congressmen? Seriously?"
Kaya naman napadasal na lamang si Davila sa Diyos para sa mga susunod na lider ng bansa.
"Lord, please give us politicians who genuinely feel and care for our people. Yung may malasakit. Hindi bingi at bulag."
Photo courtesy: Screenshot from Karen Davila/X
Hindi naman tinukoy ni Karen kung sino-sino ang mga politikong binanggit niyang nakapunta pa sa Singapore para sa nabanggit na racing event.