December 13, 2025

Home BALITA National

Karamihan ng mga Pinoy, pabor mapanagot sa drug war si FPRRD—SWS survey

Karamihan ng mga Pinoy, pabor mapanagot sa drug war si FPRRD—SWS survey
Photo courtesy: Pexels, contributed photo

Umabot sa 50% ng mga Pilipino ang mga umano'y pabor na panagutin si dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kaniyang madugong kampanya kontra droga, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa nasabing survey na inilathala nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, 50% ang pumabor na mapanagot si dating Pangulong Duterte habang 32% ang  umalma at 15% ang undecided.

Nagmula sa rehiyon ng Visayas ang pinakamataas na bilang na pumabor na mapanagot sa drug war ang dating Pangulo na may 54%. Sinundan ito ng Metro Manila na may 53% habang 52% naman ang naitala sa kalakhang Luzon. Nasa 39% naman ang pumabor mula sa Mindanao na baluwarte ng mga Duterte.

Isinagawa ang nasabing survey noong Setyembre 24 hanggang 30 kung saan tinatayang 1,500 ang tumayong respondents nito.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Matatandaang kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si Duterte bunsod ng reklamong crimes against humanity.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Samantala, matapos ang pitong buwang pananatili sa kanilang kustodiya, noong Oktubre 10 nang muling i-reject ng ICC ang hiling na interim release ng kampo ni Duterte.

Ayon sa ICC, maayos umanong nakakatanggap ng medical treatment si Duterte sa kanilang kustodiya, bagay na malayo umano sa sinasabi ng kaniyang kampo na hindi naibibigay ang medikal na atensyong kinakailangan niya.

"The Chamber notes that the Defense limits itself to argue that 'Mr Duterte is 80 years old and medical reports have highlighted [REDACTED],' and that [REDACTED], without substantiating how detention is so detrimental that it justifies his release. It does not explain to what extent Mr. Duterte [REDACTED] and how that would justify his interim release," anang ICC.

KAUGNAY NA BALITA: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC