December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Hinabol ng bubuyog, may nakaharap na buwaya! Kara David may inamin tungkol sa trabaho

Hinabol ng bubuyog, may nakaharap na buwaya! Kara David may inamin tungkol sa trabaho
Photo courtesy: Kara David (FB)

Grabe naman pala ang hirap na sinusuong ng award-winning Kapuso journalist at dokumentaristang si Kara David, sa tuwing ginagawa niya ang mga de-kalibreng documentary sa kaniyang award-winning docu program na "I-Witness."

Sa Facebook post ni Kara noong Linggo, Oktubre 12, marami raw nagtatanong sa kaniya kung hindi raw ba siya natatakot sa mga ginagawa niya at pinupuntahan niyang mga lugar, para lang may maisadokumento sa programa niya.

Pag-amin ni Kara, natatakot daw siya, pero pasalamat na lang siya sa mga kasamahan niya dahil kahit paano, nawawala ang mga takot na iyon.

"Maraming nagtatanong: hindi ba ako natatakot sa mga ginagawa ko sa I-Witness? Ang simpleng sagot: Natatakot. Pero nababawasan ang takot ko dahil may mga kasama akong nagpapalakas ng aking loob," pag-amin ni Kara.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Mabuti na lang daw, kasa-kasama nila ang cameraman na si Aldrin Lacson kaya go-go-go pa rin ang award-winning journalist sa trabaho niya.

Dito nga, ibinunyag ni Kara na ilang beses na siyang humarap sa iba't ibang mga sitwasyon, subalit buti na lang daw, nariyan si Aldrin para alalayan siya at kanilang team.

May punto pa nga raw na hinabol sila ng mga bubuyog, at si Aldrin ang sumalo ng mga kagat. May isang beses pa raw na may malaking buwaya silang nakaharap sa Palawan, pero hindi naman sila napahamak dahil sa kaniya. Si Aldrin din ang nagpoprotekta sa kaniya kapag may mga "bastos" na lalaking umaaligid.

"21 years ko nang kasama ang cameraman na si Aldrin Lacson. Nung hinabol kami ng mga bubuyog sa Abra, si Aldrin ang sumalo ng mga kagat. Nung nakaharap namin ang isang malaking buwaya sa Palawan, hindi niya ako iniwan. Nung naiiyak na ako paakyat ng Guiting-Guiting, si Aldrin ang nagpapasaya sa amin. At sa tuwing may umaaligid na mga bastos na lalaki, to the rescue agad si Aldrin," salaysay ni Kara.

Kaya naman, nagpasalamat si Kara kay Aldrin dahil sa laging pagprotekta sa kaniya. Nagdiriwang pala ng kaarawan ang nabanggit na cameraman.

"Thank you Aldrin for always protecting me. Lumalakas ang loob ko kapag kasama kita. Maligayang kaarawan sa aking paborito. Happy birthday Aldrin, mahal ka namin," pagbati niya sa kasamahan.