December 13, 2025

Home BALITA

Gobyerno ba? Cardinal Ambo, nilinaw kung sino ang hangad na ibagsak, lansagin

Gobyerno ba? Cardinal Ambo, nilinaw kung sino ang hangad na ibagsak, lansagin
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng saloobin si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan Bishop Cardinal Pablo “Ambo” Virgilio David kaugnay sa bagong krisis pampulitika na kinakaharap ng Pilipinas.

Sa latest Facebook post ni Cardinal Ambo nitong Lunes, Oktubre 13, nilinaw niya ang kahulugan sa likod ng panawagang “ibagsak” at “lansagin.” 

“Sa mga nakaraang dekada,” saad ni Cardinal Ambo, “kapag sigaw ng bayan ang ‘ibagsak!’ at ‘lansagin!’, ang tinutukoy ay mga diktadura o mapang-abusong sistema. Pero ngayon, iba ang diwa ng sigaw na iyon.”

“Sinasabi nating ‘ibagsak at lansagin’—hindi ang gobyerno mismo, kundi ang mga tiwaling sindikatong kumubkob dito. Ang hangad natin ay hindi ang pabagsakin ang estado kundi ang iligtas ito sa mga tiwaling namumuno,” dugtong pa niya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kaya naman sa halip na wasakin ang demokrasya, ang totoong hamon umano para sa simbahan, academe, negosyo, at civil society ay buwagin ang katiwaliang sumisira rito.

“Hindi natin kailangang sunugin ang buong bahay para lang mapuksa ang mga daga. Linisin natin ito, bantayan, at muli nating gawing karapat-dapat tirhan ng sambayanang Pilipino,” anang cardinal.

Matatandaang kamakailan lang ay nanawagan ang CBCP sa mga mananampalataya na magsuot ng puti tuwing Linggo mula buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre.

Maki-Balita: CBCP, hinimok ang publiko magsuot ng puti tuwing Linggo