December 13, 2025

Home BALITA National

DOH, inisa-isa mga dahilan sa pagkalat ng 'influenza-like illness' sa NCR

DOH, inisa-isa mga dahilan sa pagkalat ng 'influenza-like illness' sa NCR
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Nilinaw ng Department of Health ang mga dahilan sa pagkalat umano ng influenza-like illness (ILI) sa maraming Pilipino sa National Capital Region (NCR) ngayon. 

Ayon sa naging panayam ng True FM kay DOH ASEC. Albert Domingo nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, ipinaliwanag niya ang tatlong pangunahing dahilan sa naturang “mala-trangkasong” nararamdaman ng maraming Pilipino sa panahon ngayon. 

“Kaya siya tinawag na ‘mala-trangkaso’ kasi ‘yong mga sintomas po nila ay magkakahawig at lahat sila ay mukhang trangkaso,” pagsisimula ni Domingo. 

“Pero iba-iba ‘yong dahilan. Sa ating datos, ‘yong top three (3) na dahilan is Influenza A (top one), Rhinovirus (top two) which ‘yong common cold natin, ubo’t sipon, then ‘yong Enterovirus[...]” pag-iisa-isa pa niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Pagpapatuloy pa ni Domingo, inilatag niya ang mga bagay na dapat gawin ng mga taong nakararamdam ng alinmang sintomas mula “mala-trangkasong” sakit. 

“‘Pag nangyari sila, pare-pareho ‘yong kanilang sintomas, at the same time ‘yong pag-iwas sa kanila [ay] pare-pareho. ‘Yong paghuhugas ng kamay, pag-iiwas muna ng physical contact lalo na kapag may sintomas[...] at kung may sintomas o vulnerable, ‘yong voluntary na pagsuot ng ating mga face mask,” ‘ika niya. 

Ani Domingo, normal umanong makaranas ang maraming Pilipino ngayon dahil sa kasalukuyang flu season na nagsimula noong buwan ng Hunyo hanggang sa darating na Nobyembre. 

“Ito kasi ‘yong panahon ng ating flu season. Taon-taon po mula Hunyo hanggang Nobyembre, ‘yan po ‘yong panahon ng tag-ulan. Magkakasama ‘yan no’ng dengue, [leptospirosis], nong ating water borne diseases,” saad pa niya. 

“‘Yong mala-trangkasong sakit, nagyayari kasi nagkukumpul-kumpulan ang mga tao, umiiwas sa ulan. ‘Yong panahon natin [ay] nagbabago, ‘yong temperatura. At ‘yong humidity [o] ‘yong dami ng tubig doon sa ating hangin. Nakakairita kasi ‘yan sa ating lalamunan at saka ilong na nagiging sanhi ng pagpasok ng ating mga flu-like symptoms,” paliwanag ni Domingo. 

Binigyang-linaw rin ni Domingo na isinama na nila sa anunsyo ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa earthquake preparedness at structural inspection ang pagsasabay ng health break para sa mga mag-aaral sa NCR. 

“No’ng binasa namin ‘yong anunsyo ng Department of Education at kinausap namin sila[...] Ang talagang dahilan kung bakit nag-suspend sila today at bukas ay para sa earthquake preparedness, structural inspection,” anang assistant secretary.

“Isinabay na po nila ‘yong ating health break dahil sabi nga nila, anyway magsususpend din naman ng face-to-face, edi pagkakataon na rin na magkaroon ng sanitization,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa NCR, sinuspinde!

Mc Vincent Mirabuna/Balita