December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

'Bayanihan Village' itatayo sa Davao Oriental para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa lindol

'Bayanihan Village' itatayo sa Davao Oriental para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa lindol
Photo courtesy: via DHSUD, Phivolcs

Inihayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nakatakdang magtayo ng shelter units sa mga Davao Oriental na naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol noong Oktubre 10, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

Sa pahayag ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, iginiit niyang ang pagpapatayo raw ng mga modular shelters ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

"Ang pagtatayo po ng Bayanihan Villages ay iniutos ng Pangulong Marcos Jr. para agarang matulungan ang ating mga kababayang na-displace dahil sa lindol," ani Aliling. 

Probinsya

Tanza, Cavite, ‘di raw kaya makipagsabayan sa Pamasko food packs; babawi sa public hospital

Dagdag pa niya, "Buong puwersa ng pamahalaan ay inatasan ng Pangulong Marcos Jr. upang ipaabot ang lahat ng pwedeng tulong sa mga Davaenong apektado ng lindol."

Nakatakdang itayo ang mga modular shelters sa loob ng Bayanihan Villages na tutukuyin pa ng local government units (LGUs).

Matatandaang noong nakaraang linggo lamang ng simulan na rin ng DHSUD ang mga Bayanihan Villages sa Bogo City at sa mga bayan ng Daanbantayan, San Remigio at Medellin matapos naman ang naunang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu na kumitil ng tinatayang 75 katao noong Setyembre 30.

KAUGNAY NA BALITA: Aftershocks sa Cebu, umabot na sa higit 5,000

"Based on their assessment, ang agarang tulong na kailangan ng ating mga kababayan ay ligtas at maayos na masisilungan. Kaya mabilis natin dineploy ang mga MSUs," saad ni Aliling.