December 31, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Balang araw, babalik sa’tin ang pera nating ninakaw!'—Mylene Dizon

'Balang araw, babalik sa’tin ang pera nating ninakaw!'—Mylene Dizon
Photo courtesy: MB File Photo

Pasabog ang naging mensahe ni 2025 Cinemalaya Best Actress Mylene Dizon nang tanggapin niya ang tropeo at pagbigay ng kaunting speech sa mga bisitang dumalo sa nabanggit na awards night, na ginanap sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City noong Linggo, Oktubre 12.

Emosyunal na Mylene ang humarap sa lahat, pero nagagawa pa niyang sumundot ng biro dahil sa kasiyahang natanggap niya sa pagganap sa pelikulang "Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan."

Pero mukhang seryoso siya sa naging laman ng talumpati niya, na naugnay niya sa isyu ng korapsyon sa bansa.

Aniya, "Sa lahat po ng bumubuo ng aming pelikula, para sa ating lahat po ito, congratulations po sa atin. Ang pelikula po namin ay tungkol sa hope, sa pag-asa. Yes, may pag-asa, may pag-asa na balang araw, babalik sa atin lahat ng pera nating ninakaw ng mga hayop na hydra na 'yan," aniya.

Pelikula

Vice Ganda, todo-pasalamat sa madlang people, little ponies: 'Alam kong ginusto nyo ‘to para sa’kin, we won!'

Bukod kay Mylene, si Jojit Lorenzo naman na isa sa mga cast member ang itinanghal na Best Actor habang si Nanding Josef naman ang Best Supporting Actress.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga nagwagi sa Cinemalaya 2025