Nagbahagi ng kaniyang paliwanag si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga kaugnay sa pagiging late niya sa pagdinig ng House Ethics nitong Lunes.
Ayon sa naging paliwanag ni Barzaga sa midya nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, abala umano sila sa nagdaang gabi at naglaro raw siya sa kaniyang computer..
“We were very busy last night. I was just playing games on my computer,” paliwanag ni Barzaga.
Samantala, umani naman ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing sagot ng congressman.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao kaugnay sa naging dahilan ni Barzaga:
“Ay wow busy because playing games in his computer ganurn.”
“It's a metaphor, but we all knows that he was fighting and supporting the people of the Philippines against corruption.”
“Mas may tiwala pa kami Kay Cong Kiko kesa Kay puno na nag iiyak at nagsampa sa ethics committee.”
“"Playing games on the computer" parang isang metapora kung paano siya nakikipaglaro ng mind games sa politika. He is not playing "video games" on the computer last night he was using his social media on the computer to play games with the government.”
“May MGA Tao talagang ang babaw at literal mag isip, for me that's FANTASTIC answer NI Cong Kiko.”
“Kung iisipin para tlga siya may saltik,, pero nakaka MURA kasi,siya may Ethics Hearing tas mga Kasama nyang Magnanakaw na mga Congressman parang wala lang.”
“Napuyat sya kagabi sa rally 10pm na kasi nag simula eh palosot nya lang yan parang walang ng yari ah.”
“Anong klaseng mambabatas ka? Yan ang trabaho mo?”
MAKI-BALITA: 'I know he is not well!' Ethics complaint, ihahain laban kay Rep. Barzaga
Matatandaang kinonsidera noon ng ilang kongresistang miyembro ng National Unity Party (NUP) na maghain ng ethics complaint laban sa dati nilang kapartido na si Barzaga.
Sa press briefing na pinangunahan ni Antipolo 1st district Rep. Ronaldo Puno noong Setyembre 15, 2025, pinuna niya ang mga umano’y mga maling asal ni Barzaga bilang isang kongresista.
“I know he is not well! But we cannot allow this behavior to be unresponded,” saad ni Puno.
Sa nasabing press briefing din inilatag ni Puno ang kanila raw mga ebidensya laban sa kay Barzaga, partikular na ang mga naging social media post niya noong 2022 kung saan iginiit ni Puno na hindi raw kaaya-aya bilang isang mambabatas.
Kaugnay nito, narito naman ang mga umano’y nilabag ni Barzaga:
Not acting in a manner that reflects credibility on the House
Engaging in acts contrary to law, good morals, customs and public policy
Conduct that incites seditious activity
Conduct prejudicial in the service and unbecoming of a member of Congress
MAKI-BALITA: ‘Much better than dying!’ Rep. Barzaga, pabor kung bibigyan ng sanctions ng Ethics Committee
Mc Vincent Mirabuna/Balita