January 04, 2026

Home SHOWBIZ

'Ano na?' Kakai Bautista, nanawagan sa mga politikong 'tuparin na' mga pinangako noong eleksyon

'Ano na?' Kakai Bautista, nanawagan sa mga politikong 'tuparin na' mga pinangako noong eleksyon
Photo courtesy: Kakai Bautista (FB)

Nagpaabot ng panawagan ang singer, aktres at komedyanteng si Kakai Bautista patungkol sa dapat na pagtupad umano ng mga politiko sa kanilang mga ipinangako sa mamamayang Pilipino noong nakaraang eleksyon. 

Ayon sa inupload na video ni Kakai sa kaniyang Facebook noong Linggo, Oktubre 12, 2025, tila hinahamon niya ang mga politikong “ngayon na” umano ang panahon para pagsilbihan nila ang mamamayang Pilipino. 

“‘Yong mga bida-bida d’yan no’ng eleksyon, it’s your time to shine. Now is the time to serve the people dahil nag-serve na kami sa inyo noong eleksyon,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Kakai Bautista (FB)

Photo courtesy: Kakai Bautista (FB)

Pelikula

‘The legacy continues:’ 'Home Along Da Riles' magbabalik ngayong 2026!

Inisa-isa ni Kakai ang mga tanggapan ng gobyerno partikular sa Local Government Unit (LGU) at munisipyo sa bawat bayan at siyudad sa bansa. 

“Niluklok na namin kayo sa inyong mga posisyon. Kayong mga nasa LGU, munisipyo, ang mga namumuno sa bawat bayan at bawat cities dito sa buong Pilipinas,” ani Kakai.  

“This is not a request, it’s your job to serve the people. So mamigay na kayo ng mga Go Bags, mga emergency kits dahil Philippines is shaking,” dagdag pa niya. 

Pagpapatuloy pa ni Kakai, hinalimbawa niya ang madalas na paglindol na nararanasan ngayon sa iba’t ibang panig sa ng Pilipinas. 

“‘Di ba, nanginginig na tayo at kailangan nating maghanda kung anoman ang mangyayari sa Pilipinas. So, use this as an opportunity to serve the people, it’s your time to shine,” saad pa niya. 

Nabanggit din niya ang pangalan ni Pasig City Mayor Vico Sotto at iba pang mga siyudad sa Metro Manila kaugnay sa pamimigay nila ng Go bag sa mga tao bilang tulong sa paghahanda nila sa anomang sakuna. 

“Gayahin natin si Mayor Vico na hindi kailangang utusan, nagkukusa. Sa Taguig, mayroon daw, hindi ko naman naramdaman. Sa QC [Quezon City], meron na. Sa San Juan, I think, meron na din,” anang komedyana. 

Pagdidiin ni Kakai, dapat umanong mabigyan ng nasabing Go bag ang lahat ng mga pamilya sa bawat tahanan at hindi lang para sa mga “gustong” bigyan ng mga nasa posisyon. 

“Dapat lahat ng households, bigyan n’yo. Hindi lang mga estudyante at hindi n’yo ibibigay kung kailan n’yo lang gusto. Saka hindin ninyo ibibigay sa mga gusto n’yo lang bigyan[...]”

“You know better, hindi talaga kaya ng bawat Pilipino na magkaroon ng Go bag on their own. Kasi nga ‘di ba, minatmat n’yo na ‘yong mga salapi. Paano pa bibili ‘yong mahihirap? So, kilos na. It’s your time to shine,” pagtatapos pa niya. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita