January 29, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Mga nagwagi sa Gawad Urian 2025

ALAMIN: Mga nagwagi sa Gawad Urian 2025
Photo courtesy: MPP (website), JL Burgos (FB)

Bilang pagkilala sa kasiningan at kahusayan ng mga manlilikhang Pinoy, sila’y binagyang-parangal sa ika-48 na Gawad Urian Awards. 

Ang prestihiyosong seremonya na ito ay idinaos sa Teresa Yuchengo Auditorium, De La Salle University (DLSU), Manila nitong Sabado, Oktubre 11. 

Narito ang listahan ng mga nanalo sa ika-48 na Gawad Urian Awards: 

- Natatanging Gawad Urian: Dante Rivero

Trending

ALAMIN: Ano ang kumakalat na ‘Nipah Virus’ sa iba’t ibang bansa?

- Best Film: Alipato at Muog (Pulang Langgam Media Productions)

- Best Direction: Arlie Sweet Sumagaysay at Richard Jeroui Salvadico (Tumandok)

- Best Screenplay: Arden Rod Condez at Arlie Sweet Sumagaysay (Tumandok)

- Best Actress: Arisa Nakano (Kono Basho) 

- Best Actor: Dennis Trillo (Green Bones)

- Best Supporting Actress: Kakki Teodoro (Isang Himala)

- Best Supporting Actor: Felipe Ganancial (Tumandok)

- Best Production Design: Marxie Maolen Fadul (Green Bones)

- Best Cinematography: Dan Villegas (Kono Basho)

- Best Editing: JL Burgos (Alipato at Muog)

- Best Music: Paolo Almaden, The Ati People of Kabarangkalan and Nagpana (Tumandok)

- Best Sound: Janina Mikaela Minglanilla at Michaela Docena (The Hearing)

- Best Documentary: Alipato at Muog (JL Burgos)

- Best Short Film: Bisan Abo Wala Bilin (Kyd Torato)

Ang Gawad Urian ay sumisimbolo sa pagpapahalaga sa abilidad at mahalagang gampanin ng sinematorapiyang Pilipino at ang mga manlilikha sa likod nito. 

Ang Gawad Urian Awards ay nabuo noong 1976 para ““suriin ang mga pelikulang Pilipino, pasiglahin ang diyalogo ng mga manonood at ng industriya ng pelikula, pag-aralan ang mga tunguhing makapagpapahusay sa pelikula, at linangin ang kaalaman sa tungkulin ng pelikula bilang medyum ng ekspresyon at komunikasyon,” (Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP)). 

Sean Antonio/BALITA