December 13, 2025

Home FEATURES Trending

'The best GO Bag goes to?' ALAMIN: Mga laman ng GO Bags ng bawat lungsod

'The best GO Bag goes to?' ALAMIN: Mga laman ng GO Bags ng bawat lungsod
Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso (FB), Quezon City Government (website), Pasig City Public Information Office (FB)

Nagdala ng pangamba sa maraming Pilipino ang sunod-sunod na pagyanig ng mga lindol sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kamakailan. 

Mula sa magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Martes, Setyembre 30, ang “doublet” o twin earthquakes sa Manay, Davao Oriental noong Biyernes, Oktubre 10, hanggang sa magnitude 6.2 sa Surigao del Sur at magnitude 5.0 sa Cabang, Zambales, noong Sabado, Oktubre 11. 

KAUGNAY NA BALITA: Lindol sa Cebu, posibleng mula sa fault na hindi gumalaw nang 400 taon

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

KAUGNAY NA BALITA: Cabangan, Zambales, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba sa magnitude 6.0 ang naganap na lindol sa Surigao del Sur

Ang mga lindol na ito ay kumitil sa buhay ng ilang residente at nanira ng halagang libo-libong imprastraktura sa mga probinsyang tinamaan at mga karatig-bayan nito. 

Dahil dito, nag-trending sa social media ang importansya ng Go Bag, ang mga dapat maging laman nito, maging ang panawagan ng ilang netizens sa kanilang mga munisipalidad na agarang pamamahagi nito. 

Isa sa mga nag-viral na panawagan ay ang social media post kamakailan ng singer at aktres na si Kakai Bautista.

“This is not a request, it’s your job to serve the people. So mamigay na kayo ng mga Go Bags, mga emergency kits dahil [the] Philippines is shaking,” aniya sa kaniyang post. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Ano na?' Kakai Bautista, nanawagan sa mga politikong 'tuparin na' mga pinangako noong eleksyon

Kaya naman, narito ang listahan ng mga lungsod sa Metro Manila na namahagi na ng GO Bags sa kanilang mga residente: 

1. Makati City

Taong 2018 pa noong nagsimulang namahagi ng Go Bag ang lungsod ng Makati bilang parte ng kanilang Disaster Risk Reduction and Management Office’s (DRRMO) Community Emergency Readiness Project, 

Ito ay naglalayon na mabigyan ng mga pangunahing kagamitan ang “Makatizens” sa kasagsagan ng sakuna. 

Ang inisyatibong ito ng Makati City ay kinilala ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), at dineklara ang lungsod bilang “first and only Resilience Hub sa bansa at sa rehiyon ng Southeast Asia.” 

My Makati (FB)

2. Valenzuela City

Taong 2018 pa noong unang naiulat ang pamamahagi ng Go Bag sa lungsod ng Valenzuela sa kanilang mga pampublikong paaralan. 

Photo courtesy: Valenzuela City (FB)

3. Manila City

Unang namahagi ng Go Bag ang lungsod ng Maynila noong 2020 bilang parte ng disaster preparedness nito noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. 

Ayon sa Facebook page ng Manila Public Information Office, una nang nakapamahagi ang Manila DRRMO ng mga Yellow GoBag para sa mga guro at Blue GoBag para naman sa mga pampublikong paaralan. 

Photo courtesy: Manila PIO (FB)

4. Mandaluyong City

Taong 2022 ay namamahagi na ng Go Bag ang lungsod ng Mandaluyong sa mga residente, partikular sa first-time moms. 

Simula nito, patuloy ang kanilang distribusyon ng Go Bag sa ilang mga pagganap sa lungsod tulad ng Brigada Eskwela. 

Photo courtesy: Menchie Abalos (FB)

5. Pasig City

Enero 2024 nang unang ilunsad ng lungsod ng Pasig ang kanilang Go Bags sa mga residente.

Sa pangunguna ng Pasig City DRRMO, ang bawat pamilyang Pasigueño ay kanilang binigyan ng Go Bag para matiyak ang kanilang kaligtasan sa kasagsagan ng kalamidad. 

Photo courtesy: PIA (website)

6. Malabon City

Abril ng taong 2024 nang unang namahagi ng Go Bag ang Malabon DRRMO. 

Simula nito, nagsasagawa ng distribusyon ng Go Bag sa bawat Malabueños sa pamamagitan ng kanilang mga disaster preparedness forum. 

Mayor Jeannie Sandoval (FB)

7. Navotas City

Taong 2024 ay naitalang unang namahagi ng GO BAG ang lungsod ng Navotas sa mga residente nito, partikular sa mga rehistrado nitong mangingisda. 

Nagpatuloy ang pamamahagi nito noong Setyembre 2025. 

Photo courtesy: Navoteño Ako - Navotas City Public Information Office (FB)

8. San Juan City

Marso 2025 ay nagsimulang mamahagi ng Go Bag ang lungsod ng San Juan sa lahat ng mga guro at estudyante sa pampublikong paaralan sa lungsod. 

Photo courtesy: franciszamora30 (IG)

9. Quezon City

Inilunsad ng Quezon City DRRMO ang RESQC Go Bag noong Hulyo 2025, kung saan, unang binigyan ay mga residente mula sa hazard-prone areas. 

Photo courtesy: Quezon City (website)

10. Taguig City

Oktubre 2025 unang namahagi ng Go Bag ang lungsod ng Taguig sa 52 pampublikong paaralan sa lungsod para matiyak ang kaligtasan ng mga residente ng Taguig sa kasagsagan ng sakuna. 

Photo courtesy: Taguig Today (FB)

11. Muntinlupa City

Kamakailan, ipinasilip ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang unang batch ng GO BAG na ipamamahagi sa mga Muntinlupeño, at sa kasalukuyan ay nasa proseso na ng procurement bago maipamahagi sa mga Muntinlupeño.

Photo courtesy: Ruffy Biazon (FB)

Sa kasalukuyan, ang ilang residente sa mga sumusunod na lungsod ay nananawagan sa kanilang social media para sa kanilang pangangailangan ng Go Bag bilang paghahanda sa sakuna: 

1. Parañaque City

Bagama't may mga emergency go bag, ito ay ipinamahagi lamang sa kanilang mga government office, barangay units, at accredited community volunteers.

2. Pasay City

3. Caloocan City 

4. Las Piñas City 

5. Marikina City

Narito naman ang ilang probinsya na may mga GO BAG na ipinamamahagi sa kanilang mga residente: 

1. Taytay 

Ang “Smile Taytay Emergency Kits” sa lungsod ng Taytay ay proyekto ng lungsod para sa mga residente, partikular sa mga guro, pulis, at rescue responders. 

Kamakailan ay namahagi rin nito sa ilang pampublikong paaralan para mabigyan ang mga estudyanteng magbabalik-eskwela. 

Photo courtesy: Carmela Mae Gasilla-Reves (FB)

2. Nueva Vizcaya 

Kamakailan ay namahagi rin ng Go Bags ang PDRRMO ng Nueva Vizcaya sa mga bahaing lugar sa kanilang probinsya bilang parte ng kanilang disaster preparedness campaign. 

Photo courtesy: PIA (Website)

KAUGNAY NA BALITA:  ALAMIN: Mga dapat isipin at gawin kung sakaling magkalindol

Sean Antonio/BALITA