December 15, 2025

Home BALITA

'Tuloy ang laban!' Rep. Erice, pinagmamalaking nakasama niya si PNoy

'Tuloy ang laban!' Rep. Erice, pinagmamalaking nakasama niya si PNoy
Photo courtesy: Egay Erice/FB


Binalikan ni Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice ang alaala ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, o mas kilala bilang si PNoy.

Ibinahagi ni Rep. Erice sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 12, ang isang litrato na umano’y kinuhaan sampung taon na ang nakalipas, kasama si PNoy.

“Sampung taon na ang nakaraan ang larawan na ito subalit dama ko pa rin ang pagmamalaki na nakasama ko ang magiting na si Pnoy,” ani Rep. Erice.

“Nangarap, nabuhay, nagpakasakit at namatay para  sa mga Pilipino. Tuloy ang LABAN!” saad pa niya.

Photo courtesy: Egay Erice/FB

Umani naman ito ng samu’t saring komento at pag-alala sa namayapang dating Pangulo.

“God bless po. One of the best president ever! Sayang lang”

“The best president ng pilipinas, na sinayang ng mga pilipino....”

“That's my president Cong…”

“Daang Matuwid - Pnoy”

“Si pinoy ang presidente na hindi korap may malasakit sa bayan mga mandarambong sa kaban ng bayan ipinakulong ngaun puro lang imbistiga wala pa rin naku2long.”

“The two hard working politician, excellent LEADER, always a public SERVANT........... sa TUWID NA DAAN ng MATINO at MAHUSAY Pres. Noy Noy The kingdom of GOD may BLESSED your SOUL... CONG. EGAY we SALUTE for always fighting the rights of the PILIPINO PEOPLE dahil sa iyong kakayahan at kaalamang ipaglaban ang TAMA para sa kapakinabangan ng bawat mamamayang Pilipino. MABUHAY.. CONG. EGAY.”

Matatandaang nilisan ni Rep. Erice noong 2021 ang Liberal Party (LP) matapos ang 18 taon, upang manumpa bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko, sa ilalim ng liderato ni ngayo’y Manila Mayor Isko Moreno.

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Isko, umaming nakipagpulong kina Robredo, Pacquiao-Balita

Dalawang taon matapos ang 2022 Presidential Elections, muling nanumpa bilang kasapi ng LP si Rep. Erice.

Vincent Gutierrez/BALITA