December 14, 2025

Home BALITA

PSE, pinabulaanang nalugi ang bansa ng ₱5 trilyon a stock market

PSE, pinabulaanang nalugi ang bansa ng ₱5 trilyon a stock market
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Kinondena ng Philippine Stock Exchange Inc. (PSE) ang umano’y walang basehang pahayag na nawalan umano ng hanggang ₱5 trilyon ang local stock market sa market capitalization (MCAP) mula Disyembre 2024, at sinabing umabot lamang sa ₱886.84 bilyon ang kabuuang pagkalugi ngayong taon.

Sa inilabas na pahayag nitong Linggo, Oktubre 12, 2025,sinabi ng PSE na ang naturang alegasyon ay mula sa isang “pekeng eksperto” sa stock market na naglabas ng impormasyon noong Biyernes, Oktubre 10.

“Unfortunately, this fake news was irresponsibly published on the same day and reposted the following day in an online tabloid that is known for prioritizing sensationalism that will general clicks and engagements over providing news that have been fact-checked or verified, a minimum prerequisite of legitimate journalists in this era where fake news is readily accepted as gospel truth,” anang pahayag.

Paliwanag ng PSE, dalawang uri ng market capitalization ang kanilang sinusubaybayan — ang Domestic MCAP, na tumutukoy sa mga kumpanyang Pilipino na pangunahing nakalista sa PSE, at Total MCAP, na kinabibilangan din ng mga dayuhang kumpanyang may dual listing.

Metro

Asong naputulan ng dila sa Valenzuela City, resulta raw ng ‘dog fight’

Kabilang sa mga banyagang kumpanya sa Total MCAP ang Manulife Financial Corp. na nakalista rin sa Toronto, Hong Kong, at New York stock exchanges; Sun Life Financial Inc. na nakalista sa Toronto at New York; at Del Monte Pacific Ltd. na nakalista sa Singapore exchange.

“PSE uses domestic MCAP data as the MCAP reference number since it more accurately captures the performance of the Philippine stock market,” saad ng PSE.

Batay sa tala ng PSE noong Biyernes, Oktubre 10, 2025, nasa ₱14.293 trilyon ang Domestic MCAP — mas mababa ng ₱273.26 bilyon o 1.86% kumpara sa ₱14.566 trilyon noong Disyembre 27, 2024, ang huling araw ng kalakalan noong nakaraang taon.

Paglilinaw pa ng PSE, “Deliberately comparing apples to oranges by comparing Domestic MCAP to Total MCAP is dishonest, if not malicious, and is clearly meant to provoke investors to lose confidence in the Philippine capital market and destabilize the economy."

“We trust that the data provided in this statement will put an end to fake news and about trillions lost in PSE’s MCAP this year," anang PSE.

Matatandaang sa isang Facebook post ni Cora Guidote, dating Investor Relations head ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong Huwebes, Oktubre 9, inilatag niya ang mga datos na nagsilbing tuntungan ng kaniyang pahayag.

Aniya, “So I went back to Grok and sought the data sources. The numbers are different and more realistic but the trends are the same and the drop in market cap are in fact larger from December 2024.”

KAUGNAY NA BALITA: PSE market capitalization, nalagasan ng ₱5T mula noong 2024—ex-BSP official

Sa huli, sinabi ng dating opisyal na mahirap umanong makakita ng recovery mula rito.

“The index will most likely decline further or flatline at the least given the political uncertainty and the long-term economic impact of the exposed massive corruption,” pahabol pa niya.

Bahagi ito ng tugon ni Guidote sa sinabi ni Frederick Go, special assistant to the President for investment and economic affairs secretary, na binansagang “fake news” umano  ang pahayag na umabot sa ₱ 1.7 trilyon ang nawala sa market value dahil sa isyu ng maanomalyang flood control sa Pilipinas.

Maki-Balita: 'Fake news!' Economic team ni PBBM, pinabulaanan ₱1.7 trilyong na-wipeout sa stock market