January 06, 2026

Home BALITA Probinsya

NIA-Northern Mindanao, kinondena pamamaslang sa dating empleyado

NIA-Northern Mindanao, kinondena pamamaslang sa dating empleyado
Photo courtesy: NIA-Northern Mindanao, Kai Li (FB)

Naglabas ng opisyal na pahayag ang National Irrigation Administration (NIA) Northern Mindanao Regional Office sa kanilang Facebook page kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa kanilang dating empleyadong si Niruh Kyle Antatico noong Biyernes, Oktubre 10.

Mariin nilang kinondena ang nangyari kay Antatico, at sinabing walang lugar sa kanilang ahensya ang alinmang katiwalian at anomalya. Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa mga naulila ni Antatico.

Nangako naman silang iimbestigahan ang nangyari kay Antatico gayundin ang mga iregularidad na isiniwalat nito, dahil hindi lamang daw ito ang unang beses na narinig nila ang mga reklamo patungkol sa ilang mga proyekto nila.

"The National Irrigation Administration (NIA) Northern Mindanao Regional Office extends its deepest condolences to the family and loved ones of Mr. Niruh Kyle Antatico, who was a previous employee of the Agency," anila.

Probinsya

Off-duty uniformed personnel, kinilala sa pagsagip ng batang nalulunod sa swimming pool

"We are aware of recent social media posts, raising concerns about certain NIA projects in the region. In response to these concerns, we want to reassure the public that these matters are being handled seriously."

"The NIA Top Management has already initiated a comprehensive review and verification process in collaboration with relevant offices and appropriate authorities. This is not the first time such concerns have been addressed, and the Agency continues to prioritize transparency and accountability in all of its operations."

"NIA Northern Mindanao does not tolerate any form of irregularity in the implementation of its programs and projects. We remain committed in upholding the principles of transparency, integrity, and accountability in public service."

"We leave it with enforcement agencies that conduct investigation. We respectfully urge the public to avoid speculations and allow due process to take its course," ayon pa sa kanila.

Batay sa ulat, patay sa pamamaril ng motorcycle-riding gunmen ang dating empleyado sa Cagayan de Oro City, noong Biyernes, Oktubre 10.

Ang nabanggit na empleyado na na si Antatico ay kilala sa pagsisiwalat ng mga umano'y katiwalian sa mismong ahensyang dating pinaglilingkuran.

Batay sa mga ulat at imbestigasyon, dakong 7:00 ng gabi nang tambangan ng gunmen si Antatico sa Zone 1, Crossing Patag habang nagmamaneho ng kaniyang Nissan sedan.

Humugot ng baril ang back rider at saka pinaulanan ng bala ang biktima. Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang biktima at bumangga sa likurang bahagi ng isang trak. Agad daw siyang isinugod ng mga tauhan ng Oro Rescue sa J.R. Borja General Hospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Nagsasagawa na ng follow-up investigations at manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek gayundin sa mastermind nito.

KAUGNAY NA BALITA: Dating kawani ng NIA-Region 10 na nagsiwalat sa umano'y korapsyon ng ahensya, patay sa pamamaril

Inirerekomendang balita