December 18, 2025

Home BALITA Probinsya

NIA Admin hangad katotohanan sa isiniwalat, hustisya sa pagpaslang sa dating empleyado

NIA Admin hangad katotohanan sa isiniwalat, hustisya sa pagpaslang sa dating empleyado
Photo courtesy: Eddie Guillen, Niruh Kyle Antatico (FB)

Nagpaabot ng pakikiramay at pagkondena si  National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eddie G. Guillen hinggil sa pamamaslang sa dating legal researcher III ng ahensya na si Niruh Kyle Antatico, na tinambangan ng riding-in-tandem noong Biyernes, Oktubre 10, sa Zone 1, Crossing Patag, Cagayan De Oro habang nagmamaneho ng kaniyang kotse.

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Linggo, Oktubre 12. sinabi ni Guillen na hangad niya ang paglabas ng katotohanan tungkol sa mga umano'y iregularidad sa ahensya na isiniwalat ni Antatico, at hustisya naman para sa krimen laban sa kaniya.

"Lubos ko pong ikinalulungkot ang pagpanaw ni G. Niruh Kyle D. Antatico, dating kawani ng National Irrigation Administration – Northern Mindanao (NIA Region X). Sa ngalan ng buong NIA Family, ipinaaabot ko po ang aming taus-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga minamahal," mababasa sa kaniyang post.

"Ang kanyang pagpanaw ay isang malungkot na pangyayari na nagdulot ng pag-aalala at katanungan sa publiko. Sa ganitong panahon ng dalamhati, hangad po namin ang katarungan at katotohanan, hindi lamang bilang paggalang sa kanyang alaala, kundi bilang bahagi ng aming paninindigan para sa integridad at pananagutan sa serbisyo publiko."

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

"Kasama ng buong Ahensiya, suportado po namin ang isang patas at masusing imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nangyari. Nananawagan po kami sa publiko na igalang ang due process of law at iwasan ang mga haka-haka na maaaring makaapekto sa pag-usad ng imbestigasyon."

"Ang anumang isyung inilahad noon ni G. Antatico ay hindi po tinatalikuran ng ahensya. Ito po ay patuloy naming tinutugunan bilang bahagi ng transparency at good governance. Sa kasalukuyan, ang NIA ay nagsasagawa po ng masusing pagsisiyasat sa mga proyektong nabanggit sa kanyang reklamo."

"Tulad ng bawat isa, ang hangad po namin ay katotohanan at hustisya. Muli, ang amin pong dalangin ay lakas at kapanatagan para sa kanyang mga naulilang mahal sa buhay. Nawa’y malaman po natin ang katotohanan at makamit ang katarungan sa likod ng pangyayaring ito," aniya pa.

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang NIA-Northern Mindanao Regional Office hinggil sa nabanggit na krimen.

Mariin nilang kinondena ang nangyari kay Antatico, at sinabing walang lugar sa kanilang ahensya ang alinmang katiwalian at anomalya.

Nangako naman silang iimbestigahan ang nangyari kay Antatico gayundin ang mga iregularidad na isiniwalat nito, dahil hindi lamang daw ito ang unang beses na narinig nila ang mga reklamo patungkol sa ilang mga proyekto nila.

"The National Irrigation Administration (NIA) Northern Mindanao Regional Office extends its deepest condolences to the family and loved ones of Mr. Niruh Kyle Antatico, who was a previous employee of the Agency," anila.

"We are aware of recent social media posts, raising concerns about certain NIA projects in the region. In response to these concerns, we want to reassure the public that these matters are being handled seriously."

"The NIA Top Management has already initiated a comprehensive review and verification process in collaboration with relevant offices and appropriate authorities. This is not the first time such concerns have been addressed, and the Agency continues to prioritize transparency and accountability in all of its operations."

"NIA Northern Mindanao does not tolerate any form of irregularity in the implementation of its programs and projects. We remain committed in upholding the principles of transparency, integrity, and accountability in public service."

"We leave it with enforcement agencies that conduct investigation. We respectfully urge the public to avoid speculations and allow due process to take its course," ayon pa sa kanila.

KAUGNAY NA BALITA: NIA-Northern Mindanao, kinondena pamamaslang sa dating empleyado

Ang nabanggit na empleyado na 40-anyos at isang Juris Doctor graduate, ay kilala sa pagsisiwalat ng mga umano'y katiwalian sa mismong ahensyang dating pinaglilingkuran.

KAUGNAY NA BALITA: Dating kawani ng NIA-Region 10 na nagsiwalat sa umano'y korapsyon ng ahensya, patay sa pamamaril