December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Ilang isla sa Pilipinas, kinilala bilang ‘Asia’s Top Islands’

Ilang isla sa Pilipinas, kinilala bilang ‘Asia’s Top Islands’
Photo courtesy: Unsplash, MB

Muling binigyang-pagkilala ang ganda ng mga isla sa Pilipinas, nang tatlo rito ang napabilang sa “Asia’s Top Islands” sa isang international travel magazine kamakailan. 

Ang nasabing tatlong isla ay Boracay, Palawan, at Siargao, na napabilang sa “Top Islands: Readers’ Choice Awards 2025 ng Condé Nast Traveler (CNT).”

Ayon sa listahan ng CNT, ang Boracay ay nasa top 4 na may puntos na 90.54, na sinundan naman ng Palawan sa top 5, na may 90.23 puntos, at nasa top 7 naman ang Siargao, sa puntos na 85.49. 

Ang nasabing pagkilalang ito ay base sa mga botong isinagawa ng mga mambabasa ng CNT na karamihan ay mula sa United Kingdom (UK) at United States (US). 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Ang kabuoang listahan ay ang sumusunod: 

1. Phú Quốc, Vietnam 95.51

2. Langkawi, Malaysia 92.99

3. Koh Samui, Thailand 92.7

4. Boracay, Philippines 90.54

5. Palawan, Philippines 90.23

6. Bali, Indonesia 89.84

7. Siargao, Philippines 85.49

8. Andaman Islands, India 85.33

9. Phuket, Thailand 84.62

10. Phi Phi Islands, Thailand 83.27

Sa kaugnay na balita, ang mga isla ng Boracay, Palawan, Cebu, at Siargao ay nakasali rin sa “Top 10 Islands in Asia” noong 2024. 

Kung saan, nasa top 3 ang Boracay, ang Palawan ay nasa top 6, ang Cebu, sa top 8, at nasa top 10 naman ay ang Siargao. 

Ang Boracay ay isang munisipalidad sa Malay, Aklan, na kilala sa puti at pino nitong buhangin at malinis na dagat. 

Ang Palawan ay kilala bilang “Last Frontier” ng bansa dahil sa mayaman nitong natural environment, malinis na katubigan, at mga makapigil-hiningang tanawin. 

Kabilang sa mga lugar na kadalasang binibisita rito ng karamihan ay ang Puerto Prinsesa, El Nido, Coron, Long Beach, at Tabon Caves. 

Ang Siargao naman, ay kilala bilang “Surfing Capital of the Philippines” dahil sa mga white-sand beach nito, at ang malinaw at malinis na mga lawa sa isla na ito. 

Sean Antonio/BALITA