December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Ikulong na 'yan mga kurakot!' loud cheer kay Sen. Kiko sa Cup of Joe concert

'Ikulong na 'yan mga kurakot!' loud cheer kay Sen. Kiko sa Cup of Joe concert
Photo courtesy: Cup of Joe/FB, hermeoww/TikTok


Isinigaw ng mga dumalo sa 3-day “Stardust” concert ng OPM band na “Cup of Joe” ang popular na chant na ginamit sa isinagawang mga kilos-protesta kamakailan ng mga raliyista mula sa iba't ibang grupo, kontra sa malawakang korapsyon.

Mapapanood sa ikalawang araw ng “Stardust” noong Sabado, Oktubre 11, ang biglang paglitaw ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang videotape recording (VTR), kung saan naglahad ito ng mga litanya na tila inaalok ang banda na umanib sa aniya’y isang misyon.

Ang nabanggit na cheer chant ay tila panawagan ng mga dumalo sa concert, na pakikiisa rin sa kagustuhan ni Pangilinan na mapanagot ang mga kurakot.

“The stars are exploding, the planets are crumbling, and only you guys can prevent that from happening. Your music, passion, and characteristics are exactly what we’re looking for,” ani Sen. Kiko sa VTR.

“O ano, babad na babad na ako rito. Baka naman puwede nang…Baka puwede n’yo nang tanggapin ‘yong mission?” saad pa niya.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?



Habang ito ay inilalahad ng mambabatas sa VTR, sabay-sabay naman ang alingawngaw ng mala-protestang sigaw ng mga fans ng Cup of Joe sa naturang concert.

“Ikulong na ‘yan, mga kurakot! Ikulong na ‘yan, mga kurakot! Ikulong na ‘yan, mga kurakot!” sigaw nila.

Ang naturang chant sa Black Friday Protest ay nagsilbing "loud cheer" para sa mambabatas.

Mababasa naman sa X post ni Sen. Kiko nitong Linggo, Oktubre 12, ang pagpapasalamat ng mambabatas sa paanyaya ng OPM band.

“Nakakatuwang maging bahagi ng kwento ng ating mga kabataang artist. Maraming salamat, Cup of Joe, sa paanyaya, at sa musika ninyong nagbibigay-inspirasyon. Maraming salamat sa kabataang Pilipino. Sa inyo tayo humuhugot ng dagdag na tapang at pagasa para sa Inang Bayan,” anang mambabatas.

Nag-perform din sa nasabing concert ang ilang mang-aawit tulad ng Pinoy rapper na si Gloc-9 at ang OPM icon na Apo Hiking Society.

Vincent Gutierrez/BALITA