Ibinahagi ni Akbayan Rep. Chel Diokno ang nagtulak sa kaniya para pasukin ang politika noong 2019 nang kumandidato siya bilang senador sa ilalim ng electoral alliance na “Otso Diretso.”
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Oktubre 11, sinabi ni Diokno na wala naman daw talaga siyang politikal na ambisyon noon.
Aniya, “I never had any political ambitions. In fact, most of my life, I was very happy with being a teacher and human rights lawyer. ‘Yon na mismo ‘yong buhay ko, e.”
“But noong dumating ‘yong 2016 tapos halos araw-araw daan-daan ‘yong pinapatay, nakikita natin sa kalsada na mga victims ng EJK, noong nakita natin ‘yong pag-atake sa freedom of expression, freedom of the press, lahat ng mga kalayaan na ipinaglaban natin noong Batas Militar. Sabi ko, ‘I cannot keep quiet anymore. I have to speak my mind,’” dugtong pa ni Diokno.
Kaya naman kinausap umano niya ang mga anak nang magkaroon siya ng pagkakataon para tumakbo sa eleksyon.
“I talked to my kids. And I said, hindi ako puwedeng magreklamo sa ibang tumatakbo sabihin ko mga trapo sila if I cannot offer an alternative to the people,” anang kongresista.
Matatandaang matapos matalo noong 2019 midterm elections, muling kumandidato si Diokno sa pagkasenador noong 2022 ilalim ng Team Robredo–Pangilinan (TRoPa) o kilala rin bilang “Tropang Angat.”
Ngunit bigo pa rin siyang nakapasok sa Magic 12 ng senatorial line-up. Ganap lang siyang nakakuha ng posisyon sa gobyerno noong maging first nominee siya ng Akbayan Party-list sa nakaraang 2025 midterm elections.
ALAMIN: Final senatorial, party-list ranking sa 2025 midterm elections