December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo; nasa Alert level 2 pa rin

Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo; nasa Alert level 2 pa rin
Photo courtesy: Phivolcs/FB

Patuloy na nagbubuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Region at nasa alert level 2 batay sa latest update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), araw ng Linggo, Oktubre 12.

Ibinahagi ng Phivolcs ang time-lapse footage ng pagbuga ng abo sa bunganga ng Bulkang Kanlaon na naganap mula 6:47 AM hanggang 7:17 AM ngayong araw.

Ang insidenteng ito ay lumikha ng makapal na kulay abong usok na umabot hanggang 300 metro sa taas ng bunganga bago ito tangayin patimog-silangan, ayon sa naitalang video ng Kanlaon Volcano Observatory - Canlaon City (KVO-CC) IP Camera.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, at patuloy na mino-monitor ng ahensya.

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur