December 13, 2025

Home BALITA National

'Build Back Better Fund,' balak ikasa ng Senado para sa mga naapektuhan ng lindol

'Build Back Better Fund,' balak ikasa ng Senado para sa mga naapektuhan ng lindol
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Layunin ng Senado na lumikha ng isang “Build Back Better Fund” upang tumulong sa muling pagpapatayo ng mga bahay na nasira ng mga nagdaang lindol, ayon kay Senate finance committee chairman Sherwin Gatchalian nitong Linggo, Oktubre 12, 2025.

“Sa susunod na taon naman, nag-iisip kami na mag-carve out ng pondo na tinatawag na 'Build Back Better Fund' para makatulong doon sa mga tinamaan ng lindol tulad ng Bogo City,” saad ni Gatchalian sa isang radio interview.

Dagdag pa niya, “Mayroong fund na tinatawag na 'Local Support Fund' at gusto namin mag-carve out doon ng amount para makatulong sa pagpapatayo ng bahay nila.”D

Paglilinaw pa ni Gatchalian, ang Build Back Better Fund ay hindi magiging bagong item na isisingit pa panukalang pambansang badyet para sa 2026.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Maglalagay lang kami ng bagong criteria at karagdagang possibilities or puwedeng gamitin yung pondo,” anang senador.

May posibilidad din umanong maaari nilang kunin ang pondo mula sa alokasyon ng flood control projects.

“Posible rin 'yan (from the flood control projects allocations) pero nakita ko naman na mayroon namang pondong nakatabi para sa ganitong pagreresponde. Ito nga yung local government support fund. Mayroon ding NDRRMC fund at saka may contingency fund pa,” saad ni Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na may natitirang ₱182 bilyong pondo pa ang mga ahensyang nangangasiwa sa disaster response na maaaring gamitin para sa rehabilitasyon.

“Sa tingin ko sapat na ito until the end of the year. Hindi pa naman sila humihingi ng supplemental budget dahil dito,” giit nya.

Plano rin ng Senado na maglaan ng pondo para sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan na nasira ng lindol, kabilang ang humigit-kumulang 300 silid-aralan sa Cebu at hindi bababa sa 540 paaralan sa Davao Oriental.