December 13, 2025

Home BALITA

Anti-Marcos protest! Barzaga papasukin bahay nina Romualdez, Co sa Forbes Park

Anti-Marcos protest! Barzaga papasukin bahay nina Romualdez, Co sa Forbes Park
Photo Courtesy: Kiko Barzaga (FB), via MB

Inihayag ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang balak niya sa ikakasang 'anti-Marcos protest' sa Forbes Park ngayong Linggo, Oktubre 12.

Sa latest Facebook post ni Barzaga nito ring araw, tinanong niya ang mga follower niya kung excited na raw ba ito sa nakatakdang protesta mamayang 10 p.m.

“Excited na ba kayo? Papasukin natin ang bahay ni Zaldy Co at Martin Romualdez sa Forbes Park!” anang kongresista.

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Barzaga ang tungkol sa pagsasagawa ng protesta sa pamamagitan ng video statement noong Sabado, Oktubre 12. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa kongresista, hindi raw kasi tumalab sa administrasyon ang naunang protesta na inorganisa noong Setyembre 21. 

“[S]o tomorrow, October 12, 2025, we will be protesting on the front doors of the greedy and corrupt,” saad ni Barzaga.

Dagdag pa niya, “We will deliver the people’s anger right at their doorstep. We will bring the frustrations of those who lost their home to corruption to the homes of those corrupt.”

Samantala, ipinaalala naman niya sa isang hiwalay na post na ang isasagawang pagkilos ay mapayapang protesta.

[V]iolence will not be tolerated,” aniya.

-Mc Vincent Mirabuna, Ralph Mendoza