Naglabas ng pahayag si Quezon City 4th District Rep. Jesus “Bong” Suntay kaugnay sa umano’y pagbe-vape niya sa loob ng Kongreso.
Sa latest Facebook post ni Suntay nitong Sabado, Oktubre 11, sinabi niyang hindi umano vape ang hinihipak niya kundi Breatheasy.
“Isang paglilinaw lamang na ang nakitang hawak ko ay hindi isang vape. Ito ay isang Breatheasy, isang natural at ligtas na breathing exercise device na ginagamit para sa pagpapakalma at tamang paghinga,” saad ni Suntay.
Dagdag pa niya, “Wala itong kemikal, usok, o baterya, at hindi ito ginagamit bilang vape o paninigarilyo.”
Matatandaang pinuna ng abogado at political scientist na si Atty. Jesus Falcis ang umano’y pagbe-vape ni Suntay matapos nitong mahuli-cam habang gumugulong ang pagdinig para sa Office of the Vice President (OVP) budget sa Kongreso.
Ani Falcis, “Ang alam ko, bawal ang smoking sa House of Representatives under Section 98 of its Rules. Ang vaping ba, hindi din bawal?”